Jon Gutierrez, sinabing mahal parin niya si Jelai Andres matapos siyang kasuhan

Jon Gutierrez, sinabing mahal parin niya si Jelai Andres matapos siyang kasuhan

- Sa kanyang sariling YouTube channel, pinagbigyan ni Jon Guterrez ang kanyang mga followers sa kanilang hirit na Q&A

- Ilan sa katanungan sa kanya ay patungkol sa kanyang asawang si Jelai Andres at sa kanyang damdamin para dito

- Diretsahan niyang sinabing hindi mawawala ang kanyang pagmamahal sa asawa kahit pa kinasuhan siya nito

- Handa umano siyang makulong at pagdusahan ang kanyang kasalanan ngunit sana daw ay huwag nang dumating sa annulment ang kanilang pagsasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Question and Answer ang ibinahaging vlog ni Jon Gutierrez sa kanyang sariling vlog. Ito ay upang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang mga tagahanga.

Isa nga sa naitanong sa kanya ay kung mahal pa rin nito ang asawang si Jelai Andres kahit kinasuhan siya nito.

Jon Gutierrez, sinabing mahal parin niya si Jelai Andres matapos siyang kasuhan
Jelai Andres and Jon Gutierrez (@easymoneybadger)
Source: Instagram

Ayon kay Jon, hinding-hindi mawawala ang kanyang pagmamahal sa asawa at handa umano siyang pagdusahan ang nagawa niyang kasalanan kahit makulong pa siya.

Read also

Justin Cuyugan, nagbahagi ng advice sa pakikipagrelasyon sa isang narcissist

Ibinhagi niya rin na marami pa sa kanyang mga vlog nila na magkasama ngunit aniya, wala siya umanong karapatan na i-post iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang reaction si Jelai matapos lumabas ang ilang ibedensiya na umano'y nag-uugnay kay Jon sa isang Viva artist.

Inabangan din ang mga pahayag ni Jon sa kanyang guesting sa Mars pa More kung saan nagkwento siya tungkol sa kanila ni Jelai.

Read also

Sam Pinto, pinabulaanan ang ilang komento na nagpa-fillers siya

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel