Justin Cuyugan, nagbahagi ng advice sa pakikipagrelasyon sa isang narcissist

Justin Cuyugan, nagbahagi ng advice sa pakikipagrelasyon sa isang narcissist

- Ilang beses nang nagpaliwanag si Justin Cuyugan kaugnay sa kanyang mga makahulugang post sa Instagram tungkol sa mga narcissist na karelasyon

- Aniya, wala siyang taong partikular na pinariringgan at nais lamang niyang magbahagi ng kaalaman at makatulong sa mga taong may pinagdadaanang kagaya sa kanyang nabanggit

- Sa kanyang Instagram post, marami ang naghayag ng kanilang opinyon sa picture kung saan pinakita niya ang ilang gamit kagaya ng kutson at ilang gamit sa bahay na nakatambak

- Nilinaw din ni Justin na masaya na siya sa kasalukuyan kasama ang kanyang tatlong anak at bagong partner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maiwasang mag-isip ng mga netizens tungkol sa mga kaalamang ibinahagi ni Justin Cuyugan sa kanyang Instagra,m account na aniya ay kanyang paraan upang makatulong sa mga taong maaring nangangailangan ng payo.

Justin Cuyugan, nagbahagi ng advise sa pakikipagrelasyon sa isang narcissist
Justin Cuyugan (@thejustincuyugan)
Source: Instagram

Nilinaw din niyang masaya na siya sa kanyang buhay kasama ang kanyang tatlong anak sa namayapang asawa at kapiling ang kanyang bagong partner.

Read also

Jon Gutierrez, sinabing mahal parin niya si Jelai Andres matapos siyang kasuhan

Thanks for the concern. I’ve been out for a month now. I’m happily living my life with my kids and my new partner. These are all lessons for people who needs it.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Justin Cuyugan ay isang aktor at assistant director na nakilala sa mga palabas na Etheria: Ang ikalimang kaharian ng Encantadia (2005), Encantadia: Pag-ibig hanggang wakas (2006) at Spirits: Reawaken (2018).

Ikinasal siya sa asawang si Carmi at nabiyayaan sila ng tatlong anak. Gayunpaman, pumanaw ang kanyang misis dahil sa ovarian cancer.

Matatandaang isinapubliko ni Dawn Chang na dating miyembro ng Girltredns ang kanyang pakikipagrelasyon kay Justin noong 2018. Gayunpaman, kamakailan ay naging usap-usapan ang mga makahulugang post ni Justin na naging dahilan ng espikulasyong nagkahiwalay na sila.

Read also

Kim Chiu, pinahanga ang netizens sa pinakita niyang professionalism

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel