Justin Cuyugan, may hugot sa socmed tungkol sa ilang isyu sa pakikipagrelasyon

Justin Cuyugan, may hugot sa socmed tungkol sa ilang isyu sa pakikipagrelasyon

- Marami ang napaisip sa mga makahulugang post ni Justin Cuyugan sa kanyang Instagram account

- Napatanong ang ilang netizens kung si Dawn Chang ba ang tinutukoy nito sa kanyang mga binahaging mga mensahe

- Nilinaw niyang hindi si Dawn ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga binahaging mga mensahe

- Gayunpaman, sa isang komento, sinagot niya ang isang netizen na nagtanong kung kamusta sila ni Dawn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nahihiwagaan at naintriga sa mga banat ni Justin Cuyugan sa kanyang Instagram account kamakailan. Hindi maiwasang mag-isip ng karamihan kung patungkol ba kay Dawn Chang ang kanyang mga mensahe.

Justin Cuyugan, may mga hugot sa socmed; kinumpirmang hiwalay na sila ni Dawn
Dawn Chang (@thedawnchang)
Source: Instagram

Nilinaw ni Justin na hindi si Dawn ang kanyang tinutukoy sa kanyang mga post ngunit ito ay para sa mga taong walang kakayahang ilabas ang kanilang saloobin.

My posts may seem like they are pointing towards her but believe it or not, they are for the people who resonates to my stories. For the people who are forced to mute their voices out of fear. The fear of exclusion.

Read also

Nadine Lustre, pragkang sinabing wala siyang tattoo para kay James Reid

Gayunpaman, isang netizen ang nagtanong kung kamusta na sila ni Dawn at sinagot naman ito ni justin.

Justin Cuyugan, may mga hugot sa socmed; kinumpirmang hiwalay na sila ni Dawn
Justin Cuyugan
Source: Instagram

Napansin rin ng isang netizen na parehas na silang naka-unfollow sa isa't-isa.

May ibinahagi din si Justin na screenshot ng pag-uusap ng taong hindi na rin niya pinangalanan. Gayunpaman, nabanggit niya ang flowershop ni Dawn na whyhellothereflowers.

Buti pa si Frankie may natatanggap na good morning. Get your loved ones flowers at whyhellothereflowers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Dawn Chang ay sumikat nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother. Naging bahagi din siyang all-female group na Girl Trends na napapanood sa It's Showtime. Gayunpaman, napagpasyahan niyang umalis na sa nasabing grupo.

Naging kontrobersiyal din ang pasaringan nila ng kasamahang si Chie Filomeno. Nilinaw din ni Dawn ang kanyang panig tungkol sa isyu.

Read also

Jacqui Manzano, may matinding hugot tungkol sa pagiging responsableng ama

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel