Nadine Lustre, pragkang sinabing wala siyang tattoo para kay James Reid

Nadine Lustre, pragkang sinabing wala siyang tattoo para kay James Reid

- Ibinahagi ni Nadine Lustre ang kahulugan ng ilan sa kanyang mga tattoo sa isang panayam ni Karen Davila

- Taliwas sa mga lumabas na intriga, wala umanong maisip si Nadine na tattoo niya na pinagawa niya dahil kay James Reid

- Gayunpaman, nilinaw niyang malaki ang kanyang pasasalamat kay James lalo na noong panahong lugmok siya matapos pumanaw ang kanyang kapatid

- Dagdag pa niya, nakatulong sa kanya ang relasyon nila ni James at nananatili silang mabuting magkaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa bagong video na ibinahagi ni Karen Davila, nakapanayam niya si Nadine Lustre sa shop nito ng kanilang bentahan ng mga halaman. Hands-on si Nadine pagdating sa negosyong ito na aniya ay ang nanay niya ang nagsimula.

Nadine Lustre, pragkang sinabing wala siyang tatoo na maiuugnay niya kay James
James Reid and Nadine Lustre (Photo by Kristian Dowling)
Source: Getty Images

Isa-isa ding binahagi ni Nadine ang kahulugan ng kanyang mga tattoo na kadalasan ay paalala sa kanyang sarili tungkol sa mga bagay at pangyayaring mahalaga sa kanya.

Read also

Meryll Soriano, pinasilip ang mansiyon ng kanyang ama sa Puerto Galera

Ibinahagi niya ring mayroon siyang 14 na tattoo at ayon sa kanya ay wala siyang tattoo para sa ex na si James Reid.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang tattoo na iniuugnay ng iba sa kanyang ex-boyfriend.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong unang January, 2020.

Samantala, aminado si Nadine na nakaramdam siya ng pangamba na maapektuhan ang kanyang showbiz career matapos ang pagdalang ng trabaho para sa kanya. Gayunpaman, natutunan niya umanong huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

Naging laman din siya ng balita kamakailan matapos maghain ng reklamo ang talent agency na VIVA kaugnay sa paglabag umano niya ng kontratang pinirmahan niya.

Read also

Kiray Celis, pinagtulak ng motor ng lalaking kanyang kasama sa vlog

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel