Kiray Celis, pinagtulak ng motor ng lalaking kanyang kasama sa vlog

Kiray Celis, pinagtulak ng motor ng lalaking kanyang kasama sa vlog

- Muling nakasama ni Kiray Celis ang lalaking minsang naiugnay sa kanya noon na kinilalang si Kirst Viray

- Sa kanyang vlog ay nakasama niya ang modelo na nagpa-foot spa at kumain ng fishball

- Kinaaliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng dalawa at pinagtulak pa ng motor ni Kirst si Viray

- Marami pa rin sa kanyang mga followers ang napaisip kung bakit wala sa nasabing vlog ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang panibagong vlog, nakasama ni Kiray Celis ang aktor at modelong si Kirst Viray na dating naiugnay sa kanya.

Sa kanyang video na pinamagatang Followers control our day with mystery guy! Selos si jowa," ang kanyang mga followers ang pumili kung ano ang dapat nilang gawin.

Kiray Celis, pinagtulak ng motor ng lalaking kanyang kasama sa vlog
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Marami ang nakapansin sa closeness ng dalawa na dati pa ay nagsabing malapit silang magkaibigan. Kinaaliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng dalawa at pinagtulak pa ng motor ni Kirst si Kiray.

Read also

Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda

Matatandaang parehas na itinaggi nina Kirst at Kiray ang usap-usapan na sila ay may relasyon. Sa isang panayam ay nilinaw ni Kirst na sadyang naging malapit lang sila ni Kiray matapos nilang magkasama sa mga out-of-town shows nila noon.

Sa isang panayam ay sinabi ni Kiray na bukas siyang makatrabaho uli si Kirst sakaling may dumating na pagkakataon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Read also

Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel