Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda

Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda

- Sa wakas ay ipinakita na ni Mader Sitang sa kanyang social media account ang kanyang bagong itsura

- Ito ay matapos sumailalim sa ilang operasyon ang internet star para magpaganda

- Matatandaang ibinahagi ng ospital kung saan siya nagpaayos ang ginawang procedure sa kanya

- Makikita naman sa kanyang ibinahaging picture ang mas makinis na balat ni Mader Sitang lalo na sa bahagi ng kanyang mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang pagbahagi niya ng kanyang mga picture na maga pa ang kanyang mukha dahil sa ginawang mga cosmetic surgery sa kanya, ibinahagi ni Mader Sitang ang kanyang new look.

Mader Sitang, ibinida ang resulta ng kanyang pagpapaganda
Mader Sitang (สิตางศุ์ บัวทอง)
Source: Instagram

Ayon sa video na ibinahagi ng ospital kung saan siya naoperahan, sumailalim sa rhinoplasty si Mader.

Samantala, narito ang umano'y "new face" ni Mader Sitag:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Yam Concepcion, engaged na sa longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng

Sumikat si Mader Sitang dahil sa mga viral videos ng kanyang sayaw at pag he-head bang. Marami ang nang bash sa kanya dahil sa mga videos na iyon ngunit nabago naman iyon nang mapag-alaman ng marami na tumulong daw ito sa ilan nating kababayan na sinalanta noon ng bagyong Yolanda.

Gayunpaman, muli itong nabago matapos ang kontrobersiya sa pagitan nila ng noon sana'y tatayong international manager niya na si Wilbert Tolentino na siya din naging daan upang makapunta sa Pilipinas ang sikat na social media sensation.

Naging maingay ang pagbisita ng social media sensation na si Mader Sitang sa Pilipinas lalo na at namigay pa ito ng mga pagkain at pera.

Kaya naman marami ang hindi makapaniwala sa mga lumalabas na balita tungkol kay Mader Sitang. Ibinahagi ni Wilbert ang diumano'y hindi magandang karanasan niya sa Thailand.

Ayon sa salaysay ni Wilbert, sinalubong naman siya ni Mader Sitang sa airport ngunit iniwan din daw siya nang mapag-alamang wala itong dalang pera.

Read also

Julia Montes, pinakita ang resulta ng kanyang balik-alindog workout

Hiniling ni Tolentino na madeklarang persona non grata ang sikat na social media star matapos maudlot ang pagpirma sana nito ng five-year managerial contract.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel