Julia Montes, pinakita ang resulta ng kanyang balik-alindog workout

Julia Montes, pinakita ang resulta ng kanyang balik-alindog workout

- Ibinahagi ni Julia Montes ang kanyang bagong picture na talaga namang umani ng reaksiyon hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging sa kanyang kasamahan sa industriya

- Ayon kay Julia ay natapos siya ng shooting at sumailalim siya sa antigen swab

- Pinagkaguluhan naman ng kanyang fans ang kanyang bagong picture dahil kitang-kita ang resulta ng kanyang pagwo-workout

- Maging ang kanyang mga kasamahan sa showbiz ay hindi napigilang mag-react sa kanyang ibinahaging picture

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Julia Montes ang isang post kung saan kasama niya ang isang frontliner sa isang litrato. Base sa kanyang caption, sumailalim siya sa antigen swab test para sa kanyang trabaho.

Nabanggit din niyang natapos siya ng pag-shoot ngunit hindi pa nito sinabi kung anong shoot ang kanyang ginawa.

Julia Montes, pinakita ang resulta ng kanyang balik-alindog workout
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Samantala, marami ang nakapansin sa pagliit ng kanyang braso at mas fit na pangangatawan. Matatandaang nitong nakaraang araw lamang ay ibinahagi ng aktres ang video kung saan makikita siyang nag-wo-workout sa kanyang bahay.

Read also

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

Pinagkaguluhan ng kanyang fans ang bago niyang picture at maging ang mga kasamahan niya sa industriya ay humanga sa resulta ng balik-alindog workout ng aktres.

Ilan sa mga celebrities na nag-react sa kanyang bagong post ay sina Neri Naig, Empress Schuck, Isabel Oli, Trina Legaspi at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Read also

Kylie Padilla, ipinagdiwang ang Father's Day kasama ang amang si Robin Padilla

Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tungkol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel