Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

- Sa pagdiriwang ng Father's Day, ibinahagi ni Julia Barretto ang litrato ng kanyang lolo sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story

- Maging si Ian Veneracion na gumanap bilang kanyang ama sa isang teleserye ay kanyang ibinahagi rin sa kayang IG Story

- Kagaya ng kanyang kapatid na si Dani Barretto, ibinahagi niya rin ang picture ng kanyang ina

- Gayunpaman, wala nang nilagay na mensahe si Julia sa mga ibinahaging mga litrato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa espesyal na araw para sa mga haligi ng tahanan, ibinahagi ni Julia ang litrato ng kanyang lolo. Maging ang minsang tumayo bilang ama niya sa teleseryeng A Love to Last kung saan nakasama din nila si Bea Alonzo.

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day
Julia Barrett0 (@juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Marjorie Barretto, binahagi ang video ng graduation ng anak na si Leon

Ibinahagi niya rin sa IG stoy niya ang throwback picture nilang magkakapatid kasama ang kanilang inang si Marjorie Barretto.

Maging ang kapatid niyang sa ina na si Dani Barretto ay binati si Marjorie ng Happy Father's Day bilang pagbibigay pugay sa pagtayo nito bilang ina at ama sa kanilang magkakapatid.

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day
Screenshot form Julia Barreto's IG Story (@juliabarretto)
Source: Instagram

Isa si Julia sa inabangan ng netizens sa kasalukuyan kaugnay sa relasyon nito sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Matatandaang nakausap niya ito sa isang panayam na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Kasunod nito ay may panibagong panayam kay Dennis na naging dahilan ng muling pagkakadawit sa kontrobersiya ni Julia at muli siyang nakatanggap ng negatibong mga komento.

Kasunod nito ay naka-pribado na ang kanyang video kasama ang kanyang ama na hindi na napapanood sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Read also

Janella Salvador, masaya sa pagbabalik-trabaho niya matapos ang 15 buwan

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel