Marjorie Barretto, binahagi ang video ng graduation ng anak na si Leon

Marjorie Barretto, binahagi ang video ng graduation ng anak na si Leon

- Hindi maitago ni Marjorie Barretto ang kanyang pagiging proud mommy sa anak na si Leon

- Kamakailan ay nagtapos ito sa high school at ibinahagi ni Marjorie ang mga medalya at parangal na natanggap ng anak

- Marami naman ang nakapansin na Baldivia pa rin ang gamit ni Leon sa kanyang dokumento sa pag-aaral

- Matatandaang lumabas ang balitang hindi natuloy ang pagpapapalit ng apelyido ng mga anak nina Marjorie at Dennis Padilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng proud mommy na si Marjorie Barretto ang isang video na kuha sa pagtatapos ng anak na si Leon sa High School kamakailan.

Kagaya ng nakasanayan sa kasalukuyan, virtual ang ginanap na Graduation ceremony ni Leon kung saan nakatanggap siya ng mga medalya at parangal.

Marjoei Barretto, binahagi ang video ng graduation ng anak na si Leon
Leon Barretto (@marjbarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sa tulong ng suki; Balut vendor, nabiyayaan ng pera at motorsiklo

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang pangalan ni Leon na nakasulat sa kanyang certificate. Taliwas sa napabalitang nagpapalit silang magkakapatid ng apeliyido, Baldivia pa rin ang gamit na nito.

Ito ang apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla.

Samantala, inisa-isa ni Marjorie ang mga parangal na natanggap ng kanyang anak kabilang na ang pagiging Top 2 at High Honors.

Maging ang mga kapatid nito na sina Claudia, Dani at Erich ay proud na proud sa kanilang kapatid.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa masayang okasyong ibinahagi ni Marjorie:

Nakaka proud ka leon at syempre kay miss Marj at kay Julia kasi tumulong din si Julia sa pagpapaaral kay leon sa magandang skwelahan.nakaka amaze po kayo miss Marj dahil napalaki niyo po yung mga anak mo na mga mabubuting bata at May pangarap.sobrang nakaka proud ka po na ina.
Still Baldivia, Dennis. Nice to see that. Congrats Leon and Marjorie. God bless you more!

Read also

Aljur Abrenica, ipinasilip ang bonding nilang mag-aama sa Batangas

Congratulations Ms Marjorie Barretto, you have a good son and good family of course' God bless you and your family

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marjorie Barretto ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanilang husay sa pag-arte, naging usap-usapan ang gulo na namagitan sa kanilang pamilya na tumagal na ng maraming taon.

Kamakailan ay pinasalamatan ni Marjorie ang anak na si Julia Barretto sa pagtulong nito na pag-aralin ang kapatid na si Leon.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang naging pahayag ni Marjorie kaugnay sa kasintahan ni Julia na si Gerald Anderson.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Read also

Paula Peralejo, ibinahagi ang kanyang simpleng buhay probinsiya

Source: Kami.com.ph

Online view pixel