Marjorie Barretto, pinakita ang kanilang simpleng birthday celebration para kay Millie

Marjorie Barretto, pinakita ang kanilang simpleng birthday celebration para kay Millie

- Ibinahagi ni Marjorie Barretto ang kanilang family celebration para sa 2nd birthday ng kanyang apong si Camilla Marguerite B. Panlilio o mas kilala sa palayaw niyang si Millie

- Isang Mickey Mouse-themed party ang kanilang inihanda para sa anak nina Dani Barretto at asawa nitong si Xavi Panlilio

- Kahit sila-sila lang ay hindi maitago ang tuwa at saya nila sa kanilang pagdiriwang

- Pinakita ni Marjorie ang kanyang naging paghahanda at pag-aayos para sa celebration nilang mag-anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil nga sa pandemia, karamihan sa mga birthday celebration ay ginaganap sa bahay na lamang at iwas muna sa malalaking gathering.

Kaya naman, isang simpleng Mickey Mouse-themed birthday celebration ang inihanda ni Marjorie Barretto para sa kanyang apong si Camilla Marguerite B. Panlilio o mas kilala sa palayaw niyang si Millie na nagdiwang kamakailan ng kanyang 2nd birtday.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Marjorie Barretto, pinakita ang kanilang simpleng birthday celebration para kay Millie
Marjorie Barretto (@marjbarretto)
Source: Instagram

Kasama ang mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio, naroroon din ang mga anak ni Marjorie na sina Leon, Erich at Claudia Barretto. Pinakita ni Marjorie sa kanyang vlog ang kanyang naging paghahanda at pag-aayos para sa celebration nilang mag-anak.

Marami naman ang natuwa sa video na ito na ibinahagi ni Marjorie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Millie is usually very shy in the vlogs, but in this vlog she was active and obviously having the time of her life!. You are a great grandma Ms Marj. Always look forward to watching your vlogs, just gives me a very happy feeling everytime .
Napaka swerte ni Millie na maging part sa family na sobrang solid ang samahan, yung ipaglaban ka in full force talaga,mamahalin ka ng sobra at susuportahan ka all the way

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

Aww Marj, ikaw na ata ang pinaka magandang grandma!

Si Marjorie Barretto ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanilang husay sa pag-arte, naging usap-usapan ang gulo na namagitan sa kanilang pamilya na tumagal na ng maraming taon.

Kamakailan ay pinasalamatan ni Marjorie ang anak na si Julia Barretto sa pagtulong nito na pag-aralin ang kapatid na si Leon.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang naging pahayag ni Marjorie kaugnay sa kasintahan ni Julia na si Gerald Anderson.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel