Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

- Naikwento ng director at producer na si Olivia Lamasan ang tungkol sa 'Madrasta' na iniyakan ni Sharon Cuneta nang matapos nilang gawin ang pelikula

- Nang mabuo raw kasi nila ang blockbuster film, may ilang scenes siyang ipinaulit sa mga aktor

- Hindi napigilan ni Sharon na maglabas noon ng saloobin sa kanyang 'Mommy O' na si Olivia Lamasan at pabiro nitong sinabi na hindi na raw siya maganda dahil sa mga nagawa sa pelikula

- Subalit ang lahat naman ng kanilang hirap at sakripisyo at napalitan ng tagumpay dahil bukod sa grand slam best actress winner si Sharon, marami ring napanalunan pa ang naturang pelikula

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, isa sa mga naikwento ng batikang direktor at producer sa bansa na si Olivia Lamasan ay ang reaksyon ni Megastar Sharon Cuneta nang matapos nila noon ang pelikulang 'Madrasta'.

Read also

Olivia Lamasan sa 'Hello, Love, Goodbye': "Originally LizQuen 'yan e!"

Nalaman ng KAMI na labis na pagpapaliwanag noon ang ginawa ni Olivia kay Sharon gayundin sa aktor na si Christopher De Leon para sa nasabing pelikula gayung kailangan nilang ulitin ang limang scenes para lamang sa ikagaganda pa ng kanilang obra.

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Facebook
"5pm to 2pm the following day, tinapos namin, tinapos ni Sharon tapos 'nun umiyak siya."

"I'm so mad at you... Why did you do this to me inang? Mama O pa tawag sa akin noon e, Mommy O," ang nasabi raw noon ng Megastar kaya naman agad siyang nag-sorry sa aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I'm so sorry, anak I'm so sorry talaga but we have to do it. I understand where you're coming from. I understand your anger if you hate me," ang pagpapakalma naman noon ni Olivia sa kanyang aktres.

Read also

Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal

"I just have to tell you, I love you so much but why did you do this to me? Look at me, I'm so ugly," pabirong nasabi ng Megastar.

Nagbunga naman ang lahat ang kanilang mga sakripisyo dahil sa naging grand slam best actress si Sharon sa pelikulang ito at maraming natanggap na award ang pelikula na tumatak na sa puso ng mga Pinoy.

Si Olivia M. Lamasan ay isang batikang direktor sa larangan ng pelikula at telebisyon. Isa rin siyang writer at producer ng mga sikat at award-winning na pelikula tulad ng Sana Maulit Muli, Madrasta, Got to Believe, Starting Over Again at Hello, Love Goodbye.

Dati siyang head of ABS-CBN's creative department at ngayon siya ang managing director ng ABS-CBN Film Productions, Inc. Tinagurian siyang "master direstor" dahil sa husay niya sa kanyang larangan. Madalas din siyang tawaging 'Inang' ng kanyang mga katrabaho dahil umano sa pagiging parang isang tunay na ina kung kanila itong kasama.

Isa sa mga 'anak' ni Direk Olivia ay si Toni Gonzaga na aminado siyang isa sa mga hinahangaan niyang artista na nakapagbigay sa kanya ng inspirasyon lalo na noong nakatrabaho niya ito sa 'Starting Over Again' kasama si Piolo Pascual.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel