Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal

Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal

- Bilang nasa tamang edad na, hindi maiwasang matanong kay Bea Alonzo kung kailan na siya ikakasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Kagaya na lamang ng katanungan sa kanya ni Richard Gomez na nakatrabaho niya sa pelikulang The Love Affair

- Ani Bea, aware naman siyang nasa tamang edad na siya ngunit marami pa umanong mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay

- At masaya umano siyang na-iintindihan iyon ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque

Naitanong kay Bea Alonzo ng kanyang co-star sa pelikulang The Love Affair na si Richard Gomez kung kailan kaya siya ikakasal. Ani Bea, sa tingin niya ay matagal pa umano iyon dahil marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Arjo Atayde, ibinahaging napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang tungkol sa kasal

Sa kanyang edad na 34, alam niya umanong may sarili siyang timeline at ayaw niyang magpa-pressure sa mga tao sa paligid niya tungkol sa usaping ito.

Hindi umano sila nagmamadali ni Dominic at napag-usapan na rin umano nila ito ni Dom.

Aniya, hindi pa din siya handa sa bagay na ito at masaya siyang naiintindihan ito ni Dominic Roque. Alam niya daw na pagdating ng tamang panahon ay magiging masaya din siya sa kanyang bubuoing sarili niyang pamilya.

Narito ang reaksiyon ng ilan sa mga fans ng aktres:

I can tell by the way you have answered all your questions that happiness is truly in your heart right now. You even looked like a star shining brightly in white complemented with your big smiles and laughter that brought me gladness. I am not related to you but I want to celebrate YOU - for being my dear Queen Bea Alonzo, a woman who's full of substance, my forever Best Actress and my source of joy in this trying time

Read also

Ivana Alawi sa pagiging heredera: "Hindi ko inaangkin na akin, it's for the family"

You seemed so much happier in all aspects of your life...You DESERVE it...stay happy & loved
Sama ko sa prayer ko na sana kayo na ni Dominic ang magkatuluyan. Na ba vibe ko pag pinapanood ko ang vlog nyo together na magiging happy family kayong dalawa.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel