Ivana Alawi sa pagiging heredera: "Hindi ko inaangkin na akin, it's for the family"

Ivana Alawi sa pagiging heredera: "Hindi ko inaangkin na akin, it's for the family"

- Para sa pamilya at hindi lamang daw sa kanya ang minana ni Ivana Alawi mula sa kanyang ama na pumanaw na

- Maaring siya raw ang heredera nito subalit kailanma'y hindi niya sinasarili lamang ang mga namana dahil ito ay para talaga sa kanilang pamilya

- Kaya naman patuloy pa rin siyang nagsisikap at naghahanapbuhay para pa rin may maibigay sa kanyang mahal na pamilya

- Minsan nang naibahagi ni Ivana sa kanyang vlog ang napakagandang tahanan na isa sa mga namana niya mula sa kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw ni Ivana Alawi na kailanma'y hindi niya inangkin o sinarili lamang ang mga namana sa kanyang ama na namayapa na.

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa mga naitanong ay kung totoo ang nabalitang heredera si Ivana.

Ivana Alawi sa pagiging heredera: "Hindi ko inaangkin na akin, it's for the family"
Ivana Alawi ( Photo: Ivana Alawi YouTube channel"
Source: Instagram

"Heredera? Parang normal lang ako," panimula ni Ivana.

Read also

Bea Alonzo, ibinahagi ang tatlong bagay na gusto niyang gawin kasama ang si Dominic Roque

"Alam mo kasi Mama Ogs kung ano yung yaman ng tatay ko, hindi ko inaangkin na akin or hindi ko inaangkin na ako ang nagpakahirap diyan. It's for the family. It's not for me, It's not just for me. Hindi ko siya pera, para sa pamilya 'yun e,

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Iba yung pinaghirapan mo, iba yung nagtatrabaho ka araw-araw para sa pamilya mo. I want to feel that. I want to work hard and I want to provide for my family, from my own money, from my hardwork," paliwanag ni Ivana na kilala sa pagiging mapagmahal sa kanyang ina at mga kapatid.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 nillion ang kanyang YouTube subscribers.

Kilala rin si Ivana sa pagiging matulungin at mapagbigay. Katunayan, isa si Herlene "Hipon Girl" Budol sa mapalad na nabigyan ng biyaya ni Ivana. Laking gulat nito na matapos nilang mag-collab, nakatanggap siya ng bagong iPhone mula kay Ivana. Halos hindi talaga makapaniwala si Hipon Girl. Sinabi naman ni Ivana na natutuwa siya talaga sa dating Wowowin host.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel