Bea Alonzo, ibinahagi ang tatlong bagay na gusto niyang gawin kasama ang si Dominic Roque

Bea Alonzo, ibinahagi ang tatlong bagay na gusto niyang gawin kasama ang si Dominic Roque

- Pinakahuling taong nagbigay ng kanyang mensahe at katanungan si Dominic Roque para sa kanyang girlfriend na si Bea Alonzo

- Ani Bea, hindi niya inasahang magbibigay ng mensahe si Dominic dahil kadalasan umano ay nahihiya ito

- Tanong sa kanya ni Dominic ay kung ano ang tatlong mga bagay na gusto pa niyang gawin kasama ang aktor

- Ayon kay Bea, ang mga ito ay makapunta sila sa forest sa Switzerland, motor road trip sa Europe at gusto niya rin subukang mag-paragliding

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang mga mensahe at mga katanungan mula sa mga taong malalapit sa puso ni Bea Alonzo, nagbigay din ng kanyang mensahe at katanungan ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Bea Alonzo, ibinahagi ang tatlong bagay na gusto niyang gawin kasama ang boyfriend na si Dominic Roque
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ani Bea, hindi niya inasahang magbibigay ng mensahe si Dominic dahil kadalasan umano ay nahihiya ito. Tanong sa kanya ni Dominic ay kung ano ang tatlong mga bagay na gusto pa niyang gawin kasama ang aktor. Ayon kay Bea, ang mga ito ay makapunta sila sa forest sa Switzerland, motor road trip sa Europe at gusto niya rin subukang mag-paragliding na parang si Se-Ri sa K-Dramang Crash Landing on You.

Read also

Bea Alonzo, aminadong na-miss ang mga dating boss sa ABS-CBN

Marami din ang kinilig sa mensahe nila sa isa't-isa kung saan nagpalitan pa sila ng "I Love You." Ani Bea, excited na rin siya sa kanilang pagcecelebrate ng kanyang birthday.

Dagdag pa ni Bea, marami pang ibang bagay na gusto niyang gawin kasama si Dominic kagaya na lang ng pagtanda nilang magkasama. Agad din niya itong binawi at joke lamang daw iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel