Bea Alonzo, aminadong na-miss ang mga dating boss sa ABS-CBN

Bea Alonzo, aminadong na-miss ang mga dating boss sa ABS-CBN

- Napatakip ng bibig si Bea Alonzo nang makita niya ang video greeting sa kanya ng ABS-CBN executive na si Carlo Katigbak

- Binati siya nito ng Happy Birthday at itinanong din sa kanya kung willing daw ba itong kumanta uli para sa kanila sa kanyang birthday

- Ani Sir Carlo, dalawang beses pa lamang niyang naririnig si Bea na kumanta at ito ay yung pagkanta niya kasama si Anne Curtis at pangalawa ay sa isa sa kanyang birthday parties

- Marami naman sa kanyang mga subscribers ang natuwa na sa kabila ng mga pang-iintriga ay may pagbati pa rin si Sir Carlo sa ngayon ay isa nang Kapuso artist

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang bihirang pagkakataon ay sinagot ni Bea ang lahat ng mga katanungan ng kanyang mga malalapit na kaibigan at mga taong kanyang hinahangaan. Ito ay sorpresa umano ng staff ni Bea para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Read also

Bea Alonzo, ibinahagi ang tatlong bagay na gusto niyang gawin kasama ang si Dominic Roque

Bea Alonzo, nagulat sa birthday message at tanong ni Karlo Katigbak
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Isa nga sa nagbigay ng mensahe sa kanya ay ang dati niyang boss sa ABS-CBN na si Carlo Katigbak. Ani Sir Carlo, dalawang beses pa lamang niyang naririnig na kumanta si Bea. Ito ay yung pagkanta niya kasama si Anne Curtis at pangalawa ay sa isa sa kanyang birthday parties.

Ang tanong niya kay Bea ay kung willing siyang kumanta para sa kanila sa kanyang kaarawan.

Sagot naman ni Bea, na-miss niyang makipag-inuman sa kanila at kumanta para sa kanila. Na-miss niya rin umano ang kanyang mga dating kasamahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Bea, makakasama niya si Dominic Roque sa kanyang kaarawan.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Bea Alonzo, inaming pinakamasaya siya sa buhay niya sa kasalukuyan

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel