Bea Alonzo, inaming pinakamasaya siya sa buhay niya sa kasalukuyan

Bea Alonzo, inaming pinakamasaya siya sa buhay niya sa kasalukuyan

- Sa kanyang binahaging vog, isa si Jessica Soho sa nagbigay ng mensahe at katanungan kay Bea Alonzo

- Naitanong ng pinagpipitagang journalist kay Bea kung masaya daw ba ito sa kanyang buhay ngayon

- Diretsahan namang sinabi ni Bea na sobrang saya niya sa buhay niya ngayon at aniya ay pakiramdam niya ay pinaka-okay din siya sa kasalukuyan

- Ibinahagi niya rin na maraming bagay sa kanyang buhay ang may kasiguraduhan sa kasalukuyan kagaya na lamang ng kanyang mga desisyon sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinabi ni Bea Alonzo na sobra ang kanyang kasiyahan sa ngayon. Ito ay matapos matanong ni Jessica Soho sa kanya kung masaya daw ba siya sa buhay niya sa kasalukuyan at kung masaya siya ay gaano naman siya kasaya? Ani Bea, masasabi niyang pinaka-okay at pinakamasaya siya sa kasalukuyan.

Read also

Bea Alonzo, aminadong na-miss ang mga dating boss sa ABS-CBN

Bea Alonzo, inaming masaya siya at pinaka-okay ang buhay niya sa kasalukuyan
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Aniya, sigurado siya sa kanyang desisyon sa buhay at alam niyang may nagmamahal sa kanya ng totoo. Mahal niya rin umano ang kanyang sarili at pakiramdam niya ay handa siyang magbigay ng saya sa ibang tao.

Matatandaang nang lumipat si Bea sa GMA-7, hindi siya nakaligtas sa pambabatikos ng ilang mga supporters ng ABS-CBN, ang network na kanyang pinanggalingan.

Si Jessica Soho ang unang nakapanayam sa kanya at nag-guest siya sa programa nitong Kapuso Mo, Jessica Soho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging guest din ni Bea si Ms. Jessica sa kanyang vlog.

Panuorin ang kabuuan ng video ng mga kasagutan ni Bea sa mga tanong ng kanyang mga kaibigan at taong hinahangaan dito.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Super Tekla, umani ng papuri matapos palagpasin ang dinanas na pamamahiya sa kanya

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel