Hipon Girl, nagulat nang bigyan ni Ivana Alawi ng mamahaling cellphone

Hipon Girl, nagulat nang bigyan ni Ivana Alawi ng mamahaling cellphone

- Nagulat si Herlene 'Hipon Girl' Budol nang bigyan siya ng mamahaling cellphone ni Ivana Alawi

- Ito ay matapos ang matagumpay na prank na ginawa nila sa kapatid ni Ivana na si Hash Alawi

- Paliwanag ni Ivana, natutuwa raw kasi siya kay Hipon Girl kaya naisipan niya itong bigyan ng regalo

- Nagbiro pa si Herlene na isasauli na lamang ang cellphone niyang hindi pa fully-paid dahil mayroon na siyang bago mula kay Ivana

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang nagulat si Herlene 'Hipon Girl' Budol nang biglang i-abot sa kanya ni Ivana Alawi ang kahon ng umano'y mamahaling iPhone.

Nalaman ng KAMI na ito ay regalo ni Ivana sa pagiging guest ni Herlene sa kanyang vlog kung saan naging kasabwat niya ito sa prank niya sa kapatid na si Hash.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Nang matapos ang prank, biglang iniabot ni Ivana ang bonggang cellphone kay Herlene at talagang halos hindi ito makapaniwala.

Hipon Girl, nagulat nang bigyan ni Ivana Alawi ng mamahaling cellphone
Ivana Alawi with Hipon girl, Herlene Budol (Photo: @herlene_budol)
Source: Instagram

Nagbiro pa nga si Herlene na saktong-saktong ang pagbibigay ni Ivana sa kanya gayung hindi pa bayad ang ginagamit niya ngayong cellphone.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento naman ni Ivana, labis siyang natutuwa kay Herlene kaya naman naisipan niya itong bigyan ng regalo at mayroon ding kalakip na cash gift.

"Tuwang-tuwa ako sa ugali mo. The way you talk, the way you bring yourself, you're such an amazing person," ang pahayag ni Ivana kay Hipon Girl.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 14.1 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

Isa sa mga vlog ni Ivana na labis na nagpaluha sa publiko ay ang 17th birthday celebration ng kanyang kapatid na si Mona Alawi kung saan marami silang naibahagi tungkol sa kalagayan ng dalaga lalo na sa kalusugan nito.

Naikwento kasi ng Alawi family kung paano nag-agaw buhay umano si Mona nang biglang bumaba ang kanyang sugar level. Kinilabutan ang kanyang pamilya gayung ikinuwento ni Mona na pinapanood na niya ang sarili na walang malay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel