Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

- Ikinuwento ni Ivana Alawi na si Lisa ng Blackpink ang hair inspiration niya

- Iniidolo rin niya talaga si Lisa kaya naman naisipan niyang gayahin ang short hair nito

- First time na nagpagupit si Ivana ng maiksi na labis pa rin niyang binagayan

- Ito rin ang naging pagkakataon na maka-bonding niya ang buong pamilya dahil nakasama rin nila ang kanyang Ate Amira na madalas hanapin ng mga subscribers ng YouTube channel niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napatili sa sobrang excited ni Ivana Alawi sa pagpapagupit niya ng maiksi sa kauna-unahang pagkakataon.

Nalaman ng KAMI na si Lisa ng K-Pop group na Blackpink ang hair inspiration niya sa kanya ngayong short hair.

Lisa ng BlackPink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair
Photo: Ivana Alawi
Source: Facebook

Kwento ni Ivana, fan talaga siya ng Blackpink lalo na ng miyembro nitong si Lisa.

Kaya naman naisipan niyang tularan ang hairstyle nito na bumagay pa rin talaga sa kanya.

Read also

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang ginugupitan ang kanyang buhok, tinawag pa niya ang bunsong kapatid na si Mona para ipakita ang mga kaganapan.

Ipinakita rin ni Ivana ang larawan ni Lisa na pati hair color ay halos kapareho na rin ng sa kanya.

Ang hair makeover na ito ang nagsilbi ring bonding moment nilang mag-anak lalo na at nakasama nila at na-interview pa niya ang kanyang Ate Amira na madalas na hanapin ng mga subscribers ni Ivana.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Viral na nagra-rap sa jeep para mamalimos at composer ng kinakanta niya, nagkita na

Sa isang interview sa kanya ni Ogie Diaz, muli na namang napatunayan ni Ivana ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Aniya, handa umano siyang ubusin ang lahat ng kanyang pera masiguro lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi na pinahihirapan umano ng sakit nitong type one diabetes.

Nabanggit din niya sa naturang interview na papayag siyang maging housemate ni "Kuya" kahit naranasan niyang hindi matanggap nang siya ay nagtiyagang mag-auditon sa Pinoy Big Brother.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel