Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

- Naikwento ng viral music teacher na si Teacher Dan na minsan na siyang muntik na ma-kidnap

- Ito ay dahil sa kagustuhan niyang makapag-kolehiyo kaya naman napilitan siyang sumama sa nagpanggap na madre

- Mabuti na lamang at nahabol pa siya at napigilan ng kanyang ina na sinabing paaaralin pa rin siya

- Marso ng kasalukuyang taon nang sunod-sunod na nag-viral ang mga video ni Teacher Dan na kinagiliwan ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan ng viral music teacher na si Teacher Dan ang masalimuot na pangyayari sa kanyang buhay kung saan muntik na siyang ma-kidnap.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naikwento niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Ayon kay Teacher Dan, fourth year high school siya noon nang mayroong nagpanggap na madre sa kanilang lugar na handa umanong magbigay ng scholarship.

Read also

Teacher Dan, sinabing hindi niya sinasadya ang pagpiyok niya sa kanyang pagkanta

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"
Teacher Dan (@DanVibes)
Source: Facebook

"Sabi niya po, doon ka lang maglilinis ka lang right after mag-aral ka lang then ikaw na 'yung mag-decide kung gusto mong mag-stay dito," pagbabalik-tanaw ng guro sa naging pangako sa kanya ng nagpanggap na madre.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalis na raw sana sila nang mahabol pa siya ng kanyang ina para mapigilang umalis.

Sinabi nitong sila na ang magpapa-aral kay Teacher Dan na ikinagalit naman ng nagpanggap na madre.

"Nagalit po talaga 'yung madre. Lahat ng gamit ko nilagay niya lahat sa daan ba," kwento ni Teacher Dan.

Sa sampung magkakapatid, siya lamang ang nakatapos sa kolehiyo dahil na rin sa kanyang pagpupursige.

Narito ang kabuuan ng video na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Noong Marso, sunod-sunod na nag-viral ang mga singing tutorial ni Danieca Goc-ong o mas kilala bilang si 'Teacher Dan' ng kanyang page na "DanVibes."

Read also

Ogie Diaz, nakipagsabayan ng biritan sa viral music teacher na si Teacher Dan

Ilan sa mga kinaaliwan na video sa kanya ay ang pagtuturo niya ng "Let it Go", "Akin ka na lang" at ng "My Heart will go on".

Maging ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ay hindi inatrasan ni Teacher Dan at ipinamalas din ang kanyang bersyon ng "Chandelier."

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel