Ogie Diaz, nakipagsabayan ng biritan sa viral music teacher na si Teacher Dan

Ogie Diaz, nakipagsabayan ng biritan sa viral music teacher na si Teacher Dan

- Binisita ni Ogie Diaz ang viral music teacher ng Cebu na si Teacher Dan

- Nakapagsabayan pa ito ng biritan kay Teacher Dan na tinuruan siya ng tamang pagkanta ng kanyang mga awitin

- Namangha rin si Ogie Diaz sa kwento ng buhay ni Teacher Dan na isa sa mga labis na naapektuhan ng pandemya

- Naibahagi rin ni Teacher Dan ang mga pinagdaanan niya mula pagkabata at sigasig niya na makapag-aral at makapagtapos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala na ni Ogie Diaz ang viral music teacher na si Teacher Dan na sinadya pa nila sa Liloan, Cebu.

Nalaman ng KAMI na sa umpisa pa lamang ng interview, aliw na aliw na si Ogie Diaz kay Teacher dan na tinuruan agad siya ng kanyang singing techniques kung saan siya sumikat.

Read also

Teacher Dan, sinabing hindi niya sinasadya ang pagpiyok niya sa kanyang pagkanta

Game na game naman si Ogie sa mga itinuturo sa kanya ni Teacher Dan at napasabak din siya sa biritan.

Ogie Diaz, nakipagsabayan ng biritan sa viral music teacher na si Teacher Dan
Teacher Dan (Photo from DanVibes)
Source: Facebook

Sa kabila ng kanilang kulitan sa pagkanta, humanga naman si Ogie kay Teacher Dan sa mga pinagdaanan nito sa pagiging guro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago pa man ang pandemya, nagtu-tutor na siya ng libre sa mga bata at nagawa niya ito sa loob ng tatlong taon at natigil lamang nang dahil sa COVID-19.

Naikwento rin ni Teacher Dan sa kanyang 'Mama Ogs' na dahil sa sampu silang magkakapatid, nagsumikap siya sa pamamagitan ng paglalako ng kandila para lamang matustusan ang pag-aaral.

Natupad naman ang kanyang pangarap na maging isang guro subalit isa rin siya sa labis na naapektuhan ng pandemya dahil nawalan din siya ng trabaho.

At dahil sa nanatiling positibo sa buhay si Teacher Dan, pinasok niya ang vlogging kung saan ginawa niyang 'good vibes' ang mga video ng kanyang music lessons.

Read also

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

Narito ang kabuuan ng nakakaaliw ngunit nakakaantig ng pusong interview ni Ogie Diaz kay Teacher Dan.

Noong Marso, sunod-sunod na nag-viral ang mga singing tutorial ni Danieca Goc-ong o mas kilala bilang si 'Teacher Dan' ng kanyang page na "DanVibes."

Ilan sa mga kinaaliwan na video sa kanya ay ang pagtuturo niya ng "Let it Go", "Akin ka na lang" at ng "My Heart will go on".

Maging ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ay hindi inatrasan ni Teacher Dan at ipinamalas din ang kanyang bersyon ng "Chandelier."

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel