Music teacher na nagtuturo ng kwelang singing lessons online, kinagiliwan ng netizens
- Viral ngayon ang isang guro sa Cebu na nagtuturo ng kwelang singing lessons
- Gumagamit siya ng mga Disney songs at ilang mga kilalang Filipino love songs
- Kinagigiliwan siya lalo na at kakaiba ang kanyang paraan ng pagtuturo na nagdadala ng good vibes sa mga manonood
- Nagpasalamat siya sa mga tagasubaybay ng kanyang mga videos at sinabi niyang marami pa siyang inihandang mga pakwela para sa netizens
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena ngayon sa social media ang nakakaaliw na mga videos ng isang music teacher sa Cebu na si Teacher Danieca Goc-ong.
Nalaman ng KAMI na si Teacher Dan ang nasa likod ng mga kwelang videos sa kanyang Facebook page na DanVibes.
Sunod-sunod na nag-viral ang kanyang mga video ng kanyang singing lessons gamit ang mga sikat na kanta ng Disney.
Kwento ni Teacher Dan sa TV Patrol, isa talaga siyang guro. Dahil sa pandemya, isa siya sa mga nawalan ng trabaho at natapos na rin ang kanyang kontrata sa private school kung saan siya dati nagtuturo.
Hindi lamang Music, Arts, PE at Health ang kanyang itinuturo noon. Guro rin siya ng Araling Panlipunan, Filipino at ESP.
At dahil nasa puso pa rin niya ang kanyang propesyon, parang ipinagpapatuloy pa rin niya ito sa kanyang mga kwelang video sa pagtuturo ng tamang pagkanta ng iba't ibang awitin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kahit na pumipiyok, bentang-benta ang kanyang mga pakulo sa netizens. Sa kanya rin narinig ang salitang "volumatic" na ang pakahulugan ay ang paglakas ng pagkanta.
Labis namang nagpapasalamat si Teacher Dan sa mga tumatangkilik sa kanyang mga video lalo na at alam naman ng mga ito na nais lamang magpasaya ng guro. Nabanggit niyang marami pa raw siyang mga inihandang pakulo sa kanyang mga susunod na video na tiyak na kagigiliwan pa rin ng mga netizens.
Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng mga nakapanood na ng kanyang mga good vibes na video:
"Inaaabangan ko talaga ang mga video ni Teacher Dan, nakakawala ng stress"
"Dapat ang mga online teachers ganito ka-alive. Nakaktuwa po kayo"
"Sana magka-work na siya at makabalik sa totoong pagtuturo. Mukhang enjoy siya na magklase"
"Instant fan ako ni ma'am, volumatic kung volumatic talaga!"
"Go lang ma'am Dan, nakakatuwa po ang mga music lessons niyo"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, ilang guro naman ang nag-viral dahil sa mga naging conversation nila ng kanilang estudyante.
Dahil sa wala ngang face to face classes ngayon, walang pinipiling oras ang pagpapadala ng message sa mga guro mula sa kanilang mga mag-aaral.
Nagkataon naman na isasalang na sa kanyang kasal ang guro nang magtext sa kanya ang kanyang estudyante tungkol sa naipasa nitong activity. Maayos pa rin namang sumagot ang guro at sinabing "Wait lang ha, ikakasal lang si teacher, balikan kita."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh