Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

- Emosyonal si Ivana Alawi nang maikwento niya kay Ogie Diaz ang tungkol sa karamdaman ng kapatid na si Mona

- Handa raw umano siyang ubusin ang kanyang pera maipagamot lang ang kapatid

- Hinahangaan din niya ang katapangang ipinakikita ng kapatid lalo na at hindi biro ang pinagdaraanan nito sa pagpapagaling

- Naniniwala rin siyang isang araw ay gagaling na ng tuluyan ang kapatid niyang si Mona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangingilid ang luha ni Ivana Alawi nang maikwento niya kay Ogie Diaz ang tungkol sa karamdaman ng kapatid na si Mona Alawi na mayroong type one diabetes.

Nalaman ng KAMI na handa umanong ubusin lahat ni Ivana ang kanyang pera, masiguro lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid.

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera sa pagpapagamot ni Mona Alawi
Ivana at Mona (Photo: Ivana Alawi YouTube channel)
Source: Facebook

Aminado si Ivana na sa kabila ng tapang na ipinakikita ni Mona, dumarating din ang araw na pinanghihinaan ito ng loob.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

"Umiiyak na lang ako, sabi ko, Mona lumaban ka... Alam mo 'yun puro sakit e. Every day, all she feels is pain."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ate, lalaban ako para sa'yo," ang madalas naman sa kanyang isagot ni Mona.

"She's a very very strong person," paglalarawan ni Ivana sa pinakamamahal na bunsong kapatid.

Naniniwala rin si Ivana na gagaling nang tuluyan si Mona balang araw lalo na at bumubuti na ang kalagayan nito ngayon.

"Gumaganda na 'yung pakiramdam niya... Ang bait ni Lord!"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Ivana na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

Sa vlog ng 17th birthday celebration ni Mona kamakailan na nasa channel ni Ivana, naikwento rin nilang nag-agaw buhay ito nang biglang bumaba ang kanyang sugar level. Kinilabutan ang kanyang pamilya gayung ikinuwento ni Mona na pinapanood na niya ang sarili na walang malay.

Talagang naging emosyonal si Ivana nang inalala ang pangyayaring ito sa takot na mawala ang kapatid. Ngunit dahil palaban ito at "ni-reject pa raw siya ni God" gayung hindi pa raw niya oras, nagising muli si Mona kaya inalala niya ang pangyayaring ito na sumubok sa kanilang pamilya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel