Mona Alawi, nag-agaw buhay bago ang kanyang 17th birthday; "Pinapanood ko na sarili ko"

Mona Alawi, nag-agaw buhay bago ang kanyang 17th birthday; "Pinapanood ko na sarili ko"

- Ikinuwento ni Mona Alawi ang agaw-buhay na nangyari sa kanya dalawang linggo bago siya magdiwang ng 17th birthday

- Nasabi niyang pinapanood na niya noon ang kanyang sarili na nawalan na ng malay

- Emosyonal ding ibinahagi ni Ivana ang sinabi ni Mona na 'ni-reject' siya ni God at hindi pa raw niyang oras

- Kaya naman walang ibang hiling ang Alawi family kundi ang tuluyan na paggaling ni Mona

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nauwi sa isang emosyonal na celebration ang 17th birthday ni Mona Alawi, ang nakababatang kapatid ni Ivana Alawi.

Nalaman ng KAMI nag-agaw buhay na ito, dalawang linggo bago ang kanyang kaarawan noong Agosto 19.

Naibahagi ni Mona ang kanyang naranasan nang magbigay ng birthday wish ang kanyang ina na sana'y tuluyan na itong gumaling sa kanyang karamdaman.

Read also

Mama Alawi, hiling ang 'total healing' ni Mona para sa 17th birthday nito

Mona Alawi, nag-agaw buhay bago ang kanyang birthday; "Pinapanood ko na sarili ko"
Mona Alawi (Photo credit: Mona Alawi)
Source: UGC

"Sana gumaling na siya talaga... Pagalingin na sana siya ni God. Total Healing for Mona," bungad ng kanilang 'Mama Alawi.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon naikwento na ni Mona ang pangyayaring inakala raw niyang nananaginip lamang siya.

Bumaba raw nang husto ang kanyang sugar na siyang dahilan ng pagbagsak ng kanyang katawan.

Ngunit ang masaklap, pinapanood na raw niya ang kanyang sarili at wala na raw siyang control sa kanya mismong katawan.

"Akala ko nananaginip ako kasi nakikita ko 'yung sarili ko tapos si mom nakayakap siya sa akin, pinipilit niya akong uminom ng sugar"
"Kasi wala kong control sa body ko noon like yung buto ko, hindi ko talaga magalaw kahit daliri ko. Tina-try kong gumalaw pero wala akong control over my body."

Labis na ikinabahala ito ng kanilang pamilya at ikinuwento pa ni Mama Alawi na talagang malamig na noon si Mona nang kanya itong hawakan.

Read also

Ivana Alawi, sinurpresa ng mga bonggang regalo ang kapatid na si Mona Alawi

"Parang 'yung kaluluwa mo nasa labas na para panoorin mo 'yung sarili mo, 'yun ang nakakakilabot," pahayag ng ina nina Mona.

Si Ivana, talagang naiyak nang maikwento ni Mona na 'ni-reject' daw siya ni God at hindi pa raw niya oras.

"Nagulat ako sa kanya, sabi sa'kin ate ni-reject ako ni God, sabi ko hindi pwede hindi ka talaga kukunin," naiiyak na sinabi ni Ivana.

"Na-reject ako, hindi ko pa raw oras, hindi pa raw pwede," paliwanag naman ni Mona.

Narito ang kabuuan ng vlog ng birthday celebration ni Mona mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ng actress at YouTuber na si Ivana Alawi. Isa rin siya noong child star na nagkaroon ng screen name na Mona Louise Rey. Nakilala siya sa mga TV shows na Munting Heredera, Aso ni San Roque, at Luna Blanca.

Matatandaang nito lamang Hunyo, naikwento ni Ivana kung bakit madalas na wala ang kanyang bunsong kapatid na si Mona sa kanyang mga vlog. Sinabi niyang makailang beses nila itong nadala sa ospital dahil sa kanyang karamdaman.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel