Ivana Alawi, ipinasilip ang 'behind the scenes' ng cameo niya sa music video ni Bella Poarch

Ivana Alawi, ipinasilip ang 'behind the scenes' ng cameo niya sa music video ni Bella Poarch

- Ibinahagi ni Ivana Alawi ang ilang mga 'behind the scenes' ng kanyang shoot para sa music video ni Bella Poarch

- Bagaman at wala siya sa Amerika, nagawan pa rin ng paraan na mapasama siya sa music video na 'Inferno'

- Bukod dito, ipinakita rin ni Ivana ang iba pa niyang shoot para sa ilang endorsements

- Labis na ipinagpapasalamat ni Ivana ang mga biyayang kanyang natatanggap dahil bukod sa pagiging matagumpay na vlogger, marami paring dumarating sa kanya na iba pang mga proyekto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasilip ni Ivana Alawi ang mga 'behind-the-scenes' ng paglabas niya sa music video ni Bella Poarch.

Nalaman ng KAMI na bagaman at nasa Pilipinas si Ivana at wala sa Amerika kung nasaan ang Filipino-American social media personality at singer, nagawan pa rin ng paraan na mapasama siya sa music video nito.

Read also

Devon, nagbahagi ng "palabang" picture kasunod ng kontrobersiyal na jowa reveal

Ivana Alawi, ipinasilip ang 'behind the scenes' ng paglabas niya sa music video ni Bella Poarch
Ivana Alawi (Photo credit: @ivanaalawi)
Source: Instagram

Gamit ang green screen at nakasubaybay na mga director at crew mula Amerika via video conferencing, matagumpay ang naging shoot kaya naman napabilang si Ivana sa video ng 'Inferno' ni Bella.

"Masaya ako na nakapag-video ako para kay Bella. Sabi ko nga kahit 1 second lang, um-appear lang 'yung mukha ko 'dun, happy na ako."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni Ivana, lilipad sana siya sa Amerika dahil iyon sana ang gusto ni Bella.

"Pero ang nakakatawa kay Bella, dapat gusto niya ako pumunta ng US. para 'dun dapat ako magsu-shoot. Pero hindi ko kayang pumunta ng US kasi andami kong trabaho rito tapos may quarantine na 10 days."
"Kahit gustong gustong gustong gusto ko, hindi talaga kaya. Ayaw din akong payagan.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ivana ang iba pa niyang mga shoot para sa kanyang endorsements.

Read also

Viral online seller na si 'Queen Inuts', naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose

Labis na ipinagpapasalamat ni Ivana ang mga biyayang kanyang natatanggap dahil bukod sa pagiging matagumpay na vlogger, marami paring dumarating sa kanya na iba pang mga proyekto.

Mapapanood ang kabuuan ng kanyang video sa YouTube channel ni Ivana Alawi.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, namahagi ng "ayuda" si Ivana sa masuswerteng 1,300 na katao at sinasabing gumastos ng Php1.3 million sa pagdiriwang niya ng pagkakaroon ng 13 million subscribers.

Labis ding kinagiliwan ng marami ang prank na ginawa sa kanya ng kanyang kapatid na si Hash kung saan napagastos siya ng Php400,000 para sa shopping ng kanilang ina na si Mama Alawi.

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel