Viral online seller na si 'Queen Inuts', naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose

Viral online seller na si 'Queen Inuts', naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose

- Ibinahagi ni Daisy Lopez o mas kilala bilang si "Queen Inuts" ang ilang mga larawan kung saan naka-bonding niya sina Ethel Booba at Donita Nose

- Hindi raw siya makapaniwala na surpresa ng dalawang kilalang komedyante sa bansa

- Ayon pa kay "Queen Inuts", pinakyaw na raw nila Ethel at Donita ang kanyang mga paninda

- Matatandaang nakilala si "Queen Inuts" dahil sa pambihira niyang pagbebenta online kung saan pumalo sa 15,000 ang mga nanood ng kanyang live selling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng viral na online seller na si Daisy Lopez ng Daisy_licious Ukay ang mga larawan kung saan naka-bonding niya sina Ethel Booba at Donita Nose.

Nalaman ng KAMI na labis na nagpapasalamat si Daisy o mas kilala bilang si "Queen Inuts" sa surpresa ng dalawang sikat na komedyane sa kanya.

Read also

Madam Inutz, umalis na sa Star Image: "Magulo, as in magulo"

Ikinuwento niyang 'naka-shot' pa niya ang mga ito. Ayon din sa kanya na ngayong viral post, pinakyaw na rin daw ng dalawa ang kanyang mga paninda sa online ukay-ukay dahil sa wala nga raw nagma-mine.

Viral online seller na si Madam Inutz, naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose
Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Dahil dito, natuwa ang maraming netizens na umaaasang magkakasama-sama ang tatlo sa mga proyekto tulad ng vlog ng Donekla in Tandem at ni Ethel Booba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa viral post:

"Ang bilis ng pagsikat ni Madam Inutz! Kaya niyang makipagsabayan sa kakulitan nina Ethel at Donita"
"Bagay magsama si madam inutz at ethel at donita pare2has pho magagaling magpasaya mga usapang inutz ang mga yan im sure...!"
"Ay bagay kau tandem ni Ethel isa din sya sa favorite ko artist kwela di maarte. Duet kau kanta and sayaw,para kayong kambal"

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

"So happy for you Madam Inutz! instant celebrity dahil sa natural na kulit niyo po"
"Nice madam wag ka magbabago. hulog ka ng langit para sa kasiyahan namin. ganitong pandemic pa tayo! feel ko walang covid nag eenjoy lang ang lahat."
Viral online seller na si 'Queen Inuts', naka-bonding sina Ethel Booba at Donita Nose
Photo from Daisy_licious Ukay
Source: Facebook

Agad na nakilala ng publiko si Queen Inuts dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Ilang araw matapos ang viral video, ibinahagi ni Queen Inuts ang blessing sa kanya kung saan pumirma na siya umano ng kontrata sa Star Image.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel