Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

- Pinasok na rin ni Daisy Lopez o mas kilala bilang si Queen Inutz ang mundo ng vlogging

- Ito ay kasunod ng pagbuhos ng suporta at atensiyon sa kanya dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pag-online selling

- Maging ang mga kilalang YouTube celebrities na mayroon nang maraming mga followers ay napansin siya

- Kabilang si Ethel Booba sa nagsadya sa bahay nila upang makilala nang personal ang tinagurian "Online Selling Queen"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maipagkakailang isa si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Queen Inutz sa pinakapinag-uusapang social media personality sa kasalukuyan.

Sa katunayan, pumirma siya kamakailan sa isang talent agency na kilala sa pagmamanage ng mga sumisikat ng social media stars kagaya na lamang ni Buknoy Glamurrr at Makagago.

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Dahil sa kanyang tinatamasang suporta at attensiyon, maging ang mga kilalang YouTube stars na sina Ethel Booba at Donita Nose ay pinuntahan siya sa kanilang bahay.

Read also

Donita, tutulong sa pagba-vlog ni Madam Inutz; "May mga editor tayo diyan"

Napuno ng halakhakan ang video na ibinahagi ni Queen Inutz sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpagalingan sila ni Ethel sa pagbebenta. Matatandaang naging online seller din si Ethel noong hindi pa siya nanganganak.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens na hindi ipinagkailang aliw na aliw sila sa dalawa:

Hahahaha tawang tawa ako sainyo Mga Medem!!! Nagsama-sama mga Totoong tao More Blessings to Come Queen Inutz!
Ang sayaaaaa!!!!!! Nagsama kayong dalawang idol ko. Stay humble madam inutz! Labarn
Kapag Ang dalawang online seller na comedian nagsama… sasakit talaga tyan ng lahat. Naging online seller din si Ethel before Kaya bagay sila mag collab Parehas pa silang dalawa. Ang bait ni Ethel pagpunta nya kay mama inutz nangangahulugan lang ng pag support din niya Sa tao.

Read also

Devon, nagbahagi ng "palabang" picture kasunod ng kontrobersiyal na jowa reveal

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel