Donita, tutulong sa pagba-vlog ni Madam Inutz; "May mga editor tayo diyan"

Donita, tutulong sa pagba-vlog ni Madam Inutz; "May mga editor tayo diyan"

- Talagang binisita nina Donita Nose at Ethel Booba ang viral na online seller na si Daisy Lopez na mas kilala bilang si Madam Inutz

- Naging makulit at masaya ang kanilang pagkikita-kita at pinakyaw pa ng dalawa ang mga panindang damit ng online seller

- Doon naikwento ni Madam Inutz ang ilang bagay tungkol sa kanya at isa na rito ang pagkakaroon din niya ng YouTube channel

- Dahil dito, nangako naman sina Donita at Ethel na tutulungan nila sa kanyang mga vlog si Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging instant bonding ang pagpunta nina Donita Nose at Ethel Booba sa lugar ng viral ngayong online vlogger na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' o 'Queen Inutz.'

Nalaman ng KAMI na talagang sinadya nina Donita at Ethel si Madam Inutz para pakyawin ang mga paninda nito.

Read also

Madam Inutz, umalis na sa Star Image: "Magulo, as in magulo"

Halos hindi makapaniwala ang vlogger at talagang nilimas ng dalawa ang mga paninda niya na wala raw nagma-mine sa kanyang 'online selling'.

Donita Nose, nangakong tutulungan sa paggawa ng vlog si Madam Inutz; "May mga editor tayo diyan"
Donita Nose kasama si Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Naging masaya at makulit ang pagsasama-sama ng tatlo kung saan nagsampol pa ng pagkanta si Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbahagi rin ito ng ilang mga bagay tungkol sa kanya at isa na rito ang pagkakaroon din niya ng sariling YouTube channel, ang 'Daisy Lopez.'

Subalit ayon kay Madam Inutz, wala raw siyang masyado pang upload doon dahil aminado siyang hindi pa gamay ang pagba-vlog.

"'Wag kang mag-alala tutulungan ka namin ni Ethel!" ang agad na sinabi ni Donita.

"May mga editor tayo diyan," ang nasabi naman ni Ethel kaya naman ganoon nalamang ang kasiyahan ni Madam Inutz.

Mapapanood ang kabuuan ng nakakaaliw na video sa Donita Nose Vlog.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Donita, tutulong sa pagba-vlog ni Madam Inutz; "May mga editor tayo diyan"
Sina Donita Nose, Ethel Booba at Daisy Lopez o mas kilala bilang si Queen Inutz (Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya nga mga 'tambay' lang sa kanyang online selling ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Ilang araw matapos ang viral video, ibinahagi ni Queen Inutz ang blessing sa kanya kung saan pumirma na siya umano ng kontrata sa Star Image.

Samantala, sa kanyang Facebook, una na niyang naibahagi ang mga larawan ng pagbisita sa kanya nina Ethel at Donita.

Sa mga larawan pa lamang, maraming fans ang na-excite sa mas marami pang video kung saan magkakasama-sama ang tatlo at iba pang mga komedyante na makapagbibigay saya sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel