Madam Inutz, nakipagsabayan ng biritan sa pagkanta kay Donita Nose

Madam Inutz, nakipagsabayan ng biritan sa pagkanta kay Donita Nose

- Binisita nina Donita Nose at Ethel Booba ang viral na online seller na si 'Madam Inutz' ng Daisy_licious Ukay

- Masayang nakipagkulitan ang dalawa kay Madam Inutz at talagang pinakyaw din nila ang mga paninda nito

- Nakipagsabayan pa ng biritan si Madam Inutz kay Donita sa kantang "Alone" na may kataasan talaga ang tono

- Ito ay matapos na malaman ni Donita na naging performer pala sa Japan si Madam Inutz bago naging online seller

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa nang malamang binisita talaga nina Donita Nose at Ethel Booba ang viral na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz'.

Nalaman ng KAMI na talagang pinakyaw nina Donita at Ethel ang lahat ng paninda ni Madam Inutz na umabot sa mahigit Php20,000.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

Nakipagkwentuhan na rin si Donita kay Madam Inutz at doon nila nalamang dati pala itong naging entertainer sa Japan.

Madam Inutz, nakipagsabayan ng biritan sa pagkanta kay Donita Nose
Madam Inutz kasama si Donita Nose (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Kaya naman hiningan ni Donita si Madam Inutz ng 'sample' gayung mga 'Whitney Houston' songs pala ang kayang kantahin ng online seller.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinagbigyan naman niya ito at sabay silang bumirit ng 'Alone' at mapapansing mahusay nga namang kumanta si Madam Inutz.

Mapapanood ang kabuuan ng nakakaaliw na video sa Donita Noze vlog.

Madam Inutz, nakipagsabayan ng biritan sa pagkanta kay Donita Nose
Sina Donita Nose, Ethel Booba at Daisy Lopez o mas kilala bilang 'Queen Inutz' (Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya. Ilang araw matapos ang viral video, ibinahagi ni Queen Inuts ang blessing sa kanya kung saan pumirma na siya umano ng kontrata sa Star Image.

Read also

Donita, tutulong sa pagba-vlog ni Madam Inutz; "May mga editor tayo diyan"

Samantala, sa kanyang Facebook, una na niyang naibahagi ang mga larawan ng pagbisita sa kanya nina Ethel at Donita.

Sa mga larawan pa lamang, maraming fans ang na-excite sa mas marami pang video kung saan magkakasama-sama ang tatlo at iba pang mga komedyante na makapagbibigay saya sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel