Isang online seller, kinaaliwan sa kanyang paraan ng pagbebenta

Isang online seller, kinaaliwan sa kanyang paraan ng pagbebenta

- Kinaaliwan ngayon ang video ng isang online seller dahil sa pagiging kwela nito

- Marami ang naaliw sa kanya sa kanyang mga live selling na kanyang ibinabahagi sa Facebook

- Sa katunayan, umabot sa mahigit 7,000 ang kanyang mga viewers sa live selling ng kanyang mga ukay-ukay na damit

- Agad na nag-viral ang isang bahagi ng kanyang video kung saan pwede umanong pamburol ang damit na kanyang binibenta

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinaaliwan at agad na nag-viral ang video ng online selling ng Facebook Page na Daisy_licious Ukay dahil sa pagiging kwela ng online seller.

Marami ang naaliw sa kanya at kahit yung mga hindi naman bibili ng panindang ukay-ukay na damit ay nanonood ng kanyang live video.

Isang online seller, kinaaliwan sa kanyang paraan ng pagbebenta
Daisy_licious Ukay
Source: Facebook

Kamakailan ay nag-viral ang isang bahagi ng kanyang live selling video nang magbenta siya ng damit na aniya ay pwedeng pamburol.

Read also

Jay Costura, sinabing hindi pwedeng gamitin ang "gift" para manakot

"Kabaong" ang kanyang ibinigay nba code para sa gustong bumili ng nasabing damit. Aniya, dapat kahit ang kamatayan ay pinaghahandaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang bahagi ng video ay pabiro pa itong pumikit upang i-screenshot umano siya.

Agad na nag-viral ang kanyang video.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Aliw na naliw tlg ako sa kanya. Sakit tyan ko kakatawa. Stress reliever ko na sya mula ngayon
Yung tipong wala ka naman talaga bibilhin, pero na nunuod ka ng live selling nya kasi nakakatawa sya..Hahaha
Tlagang tatagal ang buhay ninyo madam nakatanggal stress po kau lalo na sa panahon ng pandemic srap ninyo maging kasama sa trbho enjoy lang idol.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Guro, napagtapos sa kolehiyo ang tatlong mga anak ng kanyang BFF

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate