Guro, napagtapos sa kolehiyo ang tatlong mga anak ng kanyang BFF

Guro, napagtapos sa kolehiyo ang tatlong mga anak ng kanyang BFF

- Isang guro ang nagawang mapagtapos ang ilan sa mga anak ng yumao niyang matalik na kaibigan

- Napalapit umano ang guro sa pamilya ng kanyang best friend kaya nang pumanaw ito, sinikap niyang suportahan ang mga anak nito

- Ama na rin ang turing ng mga anak ng kanyang BFF sa kanya lalo na at tatlo sa mga ito ang kanyang napag-aral

- Hindi man sila magkakasama sa ngayon, umaasa silang magkakasama-sama muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang TikTok video ni Jasmine Abby Arguelles- Llacer patungkol sa pagbibigay pugay niya sa kanilang Angkol Ton.

Kwento ni Abby sa 'On record' ng GMA News and Public Affairs, matalik na kaibigan ng kanilang ama ang kanilang "Angkol Ton" na si Antonio Entrata Jr.

Ito umano ang nagpaaral sa kanila hanggang sa makatapos siya at dalawa pang mga kapatid sa kolehiyo.

Read also

Vlogger na si Jose Hallorina, sinabing namatay raw na homeless ang lola ni Donnalyn Bartolome

Guro, napagtapos sa kolehiyo ang mga anak ng kanyang BFF
Si Angkol Ton (Photo: Antonio Entrata Jr.)
Source: Facebook

Guro rin si Abby tulad ng kanyang Angkol Ton habang ang dalawa niyang kapatid na napagtapos nito ay isa na ngayong abogado at flight attendant.

Ayon naman kay Angkol Ton, pamilya na talaga ang turing sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan gayundin ang asawa at mga anak nito.

Sinuklian niya ito ng kabutihan lalo na noong namayapa na ang kanyang best friend. Hindi niya pinabayaan ang pamilya nito na alam niyang kailangan din ng kanyang tulong.

Kasalukuyang nasa Bacolod ang kanilang Angkol Ton at hindi na niya nakakasama ang pamilya nina Abby.

Gayunpaman, umaasa silang magkikita-kita muli sa takdang panahon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinasabing ang tunay na pagkakaibigan ay mapapatunayan kung hindi ka nito iiwan sa oras ng kagipitan. Ganito ang ginawa ni 'Angkol Ton' sa mga anak ng kanyang matalik na kaibigan. Kahit wala na ito, patuloy niyang sinuportahan ang mga mahal nito sa buhay bilang bahagi pa rin ng kanilang pagkakaibigan.

Read also

Pinoy na naisipang mag-ihaw ihaw sa New York, pumapalo sa ₱800,000 ang kita kada buwan

Ang iba namang matatalik na magkakaibigan ay nauuwi sa 'pag-iibigan.' Ito naman ang kwento ng mag-best friend noong elementary na nauwi sa pagiging magkasintahan. At matapos nilang magtapos ng pag-aaral, nauwi pa sa simbahan ang kanilang pagmamahalan.

Mayroon din namang magkasintahan na nagawang mapagtapos ng pag-aaral ang matalik niyang kaibigan na kanya ring nobya. Labis itong ipinagpapasalamat ng babae na hindi naman siya binigo at agad ding nakahanap ng maayos na hanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica