Pinoy na naisipang mag-ihaw ihaw sa New York, pumapalo sa ₱800,000 ang kita kada buwan
- Lakas-loob na nagbenta ng nga 'ihaw-ihaw' ang kababayan nating si Robin John Calalo Sa New york, USA
- Nag-crave lamang umano siya sa 'isaw' at dinamihan niya ang luto at binenta ang iba
- Una niyang naging customer ang mga kapamilya at kaibigan na nagustuhan din ang kanyang timpla
- Hindi niya inaasahan na maging ang mga hindi Pinoy sa Amerika at tatangkilikin ang pagkaing Pinoy na kanyang ibinibenta
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumatok sa New York, USA ang street food business ng kababayan nating si Robin John Calalo na lakas-loob na nagbukas ng kanyang 'ihaw-ihaw' stall.
Nalaman ng KAMI na dahil sa nag-crave lamang si Robin sa isaw, nagkaroon siya ng instant business.
Kwento niya sa GMA News, namalengke siya na may dalang $50 para mamili ng mga pwede ihawin.
Dinamihan niya ito at naisipang ibenta sa mga kaibigan. Agad naman itong nabili maging ng kanyang mga kamag-anak.
Dahil dito, tinagurian na siyang 'boy isaw' dahil sa binabalik-balikan ng kanyang mga customer na 'adidas o paa ng manok', 'betamax o dugo ng baboy', isaw ng manok, at maging ang inihaw na hotdog.
Maging ang ibang mga nasyunalidad ay tinangkilik ang kanyang paninda kaya naman ang halagang Php200,000 ay kita lamang niya sa isang linggo.
Lalo pang naging masagana ang kanyang negosyo ngayong pandemya at maging ang kanyang online business ng ready to cook na 'ihaw-ihaw' ay mabenta rin.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakatutuwang isipin na maging sa ibang bansa ay nakikilala ang mga pagkaing Pinoy. Matatandaang patok din sa Amerika ang iba pang street food ng mga Pilipino tulad ng kwek-kwek, fishball, kikiam at maging inasal.
Samantala, sa naunang naiulat ng KAMI matatandaang maging ang Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau ay nagustuhan din ang adobo na pinag-aralan pa umano ng kanyang misis na lutuin. Subalit, aminado ito na bagaman at fan din siya ng pagkain ng 'Jollibee', naibahan siya umano sa timpla ng ating spaghetti.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh