Reply ng delivery rider sa kanyang nag-aalalang ina, umantig sa puso ng netizens
- Viral ang naging reply ng isang delivery rider sa kanyang inang nag-aalala sa kanya
- Walang tigil ang pag-ulan at tumataas na ang tubig sa ilang lugar kaya pinauuwi na sana ng ina ang anak na delivery rider
- Ngunit imbis na umuwi, tuloy pa rin ang rider sa pag-iikot maihatid lang ang mga dapat niyang mai-deliver sa araw na iyon
- Lahat daw ng kanyang sakripisyo at pagsusumikap ay para rin umano sa kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang nag-viral na post ng delivery rider na si Jude Martin Negrido.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Jude ang convo nila ng kanyang ina na nag-aaalala na sa kanya.
Kamakailan kasi, sa kasagsagan ng ulan at pagbaha, tuloy pa rin ang pagde-deliver ng 18-anyos na si Jude.
Dahil dito, nais na sana siyang sunduin ng kanyang ina na pinatitigil na muna sana siya dahil sa masamang panahon.
Ngunit imbis na umuwi, nagpadala ng selfie si Jude na noo'y basang-basa na at nagreply sa kanyang ina na "kaya pa ma, hahahaha. I love you."
Sa panayam sa kanya ng GMA News, ipinaliwanag niya ang kanyang dahilan kung bakit matiyaga pa rin siyang nagdeliver sa kabila ng matinding pag-ulan.
Habol niya ang incentive na makukuha nila kung maayos ang kanilang performance na sinubok naman ng masamang lagay ng panahon.
Malaking bagay daw umano ito sa kanya lalo na sa kanyang pamilya. Pagkakabit ng salamin ang pinagkakakitaan ng kanyang ama ngunit naging matumal ito buhat ng pandemya. Ang kanya namang ina ay nananatili na lamang sa bahay dahil sa sakit sa puso.
Ito umano ang inspirasyon ni Jude upang magsumikap at magpursige sa buhay.
Sa pasukan, first year college na siya sa kursong criminology. Subalit ayon kay Jude, tuloy pa rin ang kanyang pagiging delivery rider para matustusan ang pag-aaral at para tuloy pa rin ang pagtulong sa kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Itinuturing na frontliners din ang mga delivery riders ngayong pandemya. Lalo na ngayong sasailalim na naman sa enhanced community quarantine ang ibang lugar, marami ang aasa muli sa mga food deliveries.
Subalit sa kasamaang palad, nadadalas na rin ang panloloko ng iba nating mga kababayan sa mga delivery riders dahil sa mga fake orders.
Ang ilan, hindi rin nakakaligtas sa panganib sa kalsada ngunit nagagawa pa ring i-deliver ang order sa kanila. Tulad ng isang delivery rider na matapos maaksidente, dumiretso pa rin sa kanyang customer para ihatid ang pagkain nito. Dinagsa ng tulong ang matapat at dedikadong rider na ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh