Siargao District Hospital, punuan na ang mga ward at pasilyo
- Punuan na sa ward at pasilyo ng Siargao District Hospital ilang araw lamang matapos ang pananalanta ng Bagyong Odette
- Umaapaw na ang mga pasyente at nagdeklara na rin ng diarrhea outbreak sa isla kasunod ng pagtaas ng kaso ng nagkakasakit
- Matatandaang nauna nang nanawagan ang mga nasalanta ng tulong at kabilang sa kanilang hiniling ay pagkain at inuming tubig
- Isa ang isla ng Siargao sa pinakaapektado sa pananalasa ng Bagyong Odette na nanalasa noong Huwebes, December 16, 2021
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagdeklara na ng diarrhea outbreak sa isla ng Siargao kasunod ng pagtaas ng kaso ng nagkakasakit. Punuan na sa ward at pasilyo ng Siargao District Hospital ilang araw lamang matapos ang pananalanta ng Bagyong Odette. May ilang mga kama, tatlong pasyente ang naghahati-hati.
Sa ulat ng TV5, may 30-bed capacity ang ospital pero nasa 120 na ang mga naka-admit. 80% sa bilang na ito ay pawang mga kaso ng diarrhea.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon kay Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Bingo” Matugas, siyam napung porsiyento ng mga residente sa isla ay wala nang bahay dahil sa pananalasa ng bagyo.
‘Yung panawagan namin dito ay sana makapagpadala ng mga food packs, water, and yung number three na importante ay shelter. Ninety percent ng mga tao dito wala ng bahay,”
Nabanggit din ni Matugas na tinatayang nasa P20 billion ang halaga ng pinsala sa isla.
Samantala, bilyon ang halaga ng mga napinsala ng Bagyong Odette. Mula sa mga pananim na nasira, mga punongkahoy na natumba at maging ang airport sa naturang isla ay napinsala din.
Isa ang isla ng Siargao sa pinakaapektado sa pananalasa ng Bagyong Odette na nanalasa noong Huwebes, December 16, 2021. Nag-iwan ito ng matinding pinsala sa mga ari-arian at maging buhay ng mga residente.
Kabilang sa mga artistang nabahala sa pinsala ng bagyo sa isla ng Siargao ay sina Andi Eigenmann at Nadine Lustre na parehas nagbahagi ng kanilang malasakit para sa mga residenteng apektado ng kalamidad.
Matatandaang inalmahan ni Andi ang mga paratang sa kanyang partner na si Philmar Alipayo kaugnay sa mga donations para sa mga nasalanta ng bagyo.
Si Nadine naman ay personal na nagtungo sa Siargao upang iabot ang tulong sa pamamagitan ng relief goods at pagtatayo ng solar charging station.
Source: KAMI.com.gh