Inang 50 taon nang naglalako ng balut, niregaluhan ng magandang bahay ng kanyang anak
- Halos hindi makapaniwala ang pamilya ni Ruby na makakalipat sila sa maayos at magarang bahay
- Handog niya ito sa kanilang ulirang ina na binuhay sila sa paglalako ng balut sa loob ng 50 taon
- Marami man ang nangungutya sa kanila na hindi sila makakaahon sa hirap, masaya sila na nagawa ito
- Ayon kay Ruby, 15 taon niya itong pinag-ipunan at ngayon, nakita na nila ang resulta ng kanilang pinaghirapan
- Subalit ang ina na kanyang hinandugan ng bahay, hindi nila nakumbinsing lumipat
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Natupad na ang pangarap ng anak na si Ruby Manangan para sa kanyang ina na si Amelia na 50 taon nang naglalako ng balut.
Nalaman ng KAMI na naitaguyod sina Ruby ng kanyang ina sa paglalako, umulan man o umaraw.
Dahil saksi si Ruby sa kasipagan ng ina, na katuwang ng kanilang ama, hiling niyang maitira ito sa magarang bahay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naikwento niya sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho na maliit at masikip ang dati nilang tinitirahan. Madalas ding tumulo ang tubig sa gilid ng pader tuwing umuulan.
Kaya naman sinikap niyang maialis ang kanyang pamilya sa bahay na iyon upang makaranas ng kaginhawahan.
15 taon niyang pinag-ipunan ang bahay at lupa mula sa paglalako nilang mag-asawa ng karne.
Marami man ang nangutya at hindi raw naniniwala sa kanila na makakaalis sila sa dating bahay, napatunayan nilang madadala ng sipag at determinasyon ang pag-abot sa mga pangarap.
Subalit ang ina na pinaghahandugan niya ng tahanan, hindi nila basta nakumbinsi na lumipat.
Ito ay dahil ang alaala ng yumaong mister noong 2016 ay hindi niya maiwan sa lumang bahay.
Gayunpaman, siniguro ni Ruby na bukas ang bago at magarang bahay para sa ina. Hiling naman ng kanyang Nanay Amelia na kung dumating na ang araw na hindi na niya kayang mag-hanapbuhay ay maalagaan na lamang siya ng kanyang mga anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh