10-anyos na batang nag-aararo para makatulong sa pamilya, hinangaan ng netizens
- Kinapulutan ng maraming aral sa buhay ang kwento ng batang si Reymark Mariano
- Sa edad niyang 10, nag-aararo at nagsasaka na siya kasama ang kanyang lolo
- Iniwan na siya ng kanyang ina habang ang ama naman ay kasalukuyang nasa piitan
- Sa tulong ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nabigyan ng biyaya si Reymark gayundin ang kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagpaluha sa maraming netizens ang kwento ng batang si Reymark Mariano na napanood kamakailan sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nalaman ng KAMI na sa edad na 10, nag-aararo na at nagsasaka si Reymark kasama ang kanyang lolo.
Kwento ni Reymark, bata pa lamang siya ay kasa-kasama na siya noon ng ama sa pag-aararo.
Sa kakapanood, natuto na rin siya nito hanggang sa sumapit ang edad niyang pito at sinubukan na rin niya ang pagsasaka.
Sa kasamaang palad, naaresto ang kanyang ama na kasalukuyan nang nasa piitan kaya naman siya na ang kasa-kasama naman ng kanyang lolo upang maghanapbuhay.
Sa tulong ng kanilang kabayo na si "Rabanos" inarao ni Reymark ang kanilang sakahan ng labanos. Hindi na raw kasi ito kaya ng kanyang lolo na bukod sa may edad na at nanghihina, may kalabuan na rin umano ang paningin nito.
Aminadong napapagod na rin si Reymark sa kanyang gawain ngunit pilit niya itong kinakaya para sa lang may makain ang kanyang pamilya.
Samantala, sa tulong ng programang KMJS, nabiyayaan ang pamilya ni Reymark na labis niyang ikinatuwa.
Aniya, malaking tulong ito sa kanila kaya labis nila itong ipinagpapasalamat.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Grabe 'yung luha ko noong napanood ko ito at napayakap ako ng mahigpit sa mga anak ko"
"Matalinong bata si Reymark, sana matulungan siyang makapagtapos ng pag-aaral, malayo ang mararating ng masipag na batang ito"
"Ang dami kong natutunan kay Reymark, sa mga binitawan niyang salita tumatago talaga sa puso ko"
"Wala akong ibang hiling kundi ang makamit sana ni Reymark ang mga pangarap niya sa buhay, deserve niya kasi yun... I will pray for him"
"Marami kong natutunan sa'yo Reymark, 'wag kang mawalan ng pag-asa, pagpapalain ka ng Diyos dahil mabait at masipag kang bata na mapagmahal pa sa pamilya"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa rin sa mga sinubaybayang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang tungkol sa 'baby switching' na naganap sa pamilya Mulleno at Sifiata.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh