Gloc-9 sa kurso niyang Nursing: "Hindi ako habang buhay mag ra-rap"
- Ibinahagi ni Gloc-9 ang kanyang graduation picture na kuha 11 taon na ang nakararaan
- Nabanggit din niyang nagtapos siya ng kursong nursing ngunit mas pinili niya pa rin ang pagra-rap
- Gayunpaman, aminado siyang hindi habang buhay ang kanyang pagra-rap
- At kung mabibigyan daw siya ng pagkakataong magawa ang kanyang tinapos na kurso ipagpapasalamat niya rin ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Buong pagmamalaking ibinahagi ng kilalang rapper sa bansa na si Gloc-9 ang kanyang graduation picture na kuha 11 taon na ang nakalipas.
Nalaman ng KAMI na nagtapos si Gloc sa kursong Nursing na tila malayo sa kanyang propesyong ibinabahagi sa ngayon.
Sa kanyang Instagram post noong May 19, nakasuot ng toga na may hawak na diploma si Gloc sa kanyang larawan.
Gayunpaman, mas pinili pa rin ni Gloc ang mag-rap na sinasabing "mahal" niya at talagang nais niyang gawin.
"Napatunayan ko din na kung mahal mo ang pipiliin mo hindi ka magkakamali."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Gayunpaman, alam daw ni Gloc na hindi habang buhay na siya ay magra-rap kaya naman kung mabibigyan siya ng pagkakataong maging isang ganap na Nurse gayung ito ang kursong kanyang tinapos, labis din niya itong ipagpapasalamat.
"Pero Alam ko din na hindi ako habang buhay magra-rap. Darating din ang araw na babalik din ako sa kung ano ang tinapos ko."
"Kung mangyayari man 'yun ,Gusto kong magpasalamat ng lubos dahil tinupad ninyo ang pangarap ko."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9 ay itinuturing na isa sa mga "Best Filipino rappers of all-time".
Nagsimula ang kanyang career noong 1990 ngunit mas nakilala siya noong taong 2003 nang mag-release siya ng solo album.
Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang "Sirena" kung saan nakasama niya ang isa ring OPM artist na si Ebe Dancel, “Hari Ng Tondo,” at “Simpleng Tao."
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Noong Hunyo 2020, nag-viral ang post ni Gloc-9 kung saan pinasok na na rin ang online business.
Maayos din na naipaliwanag ni Gloc sa ilan niyang mga fans ang dahilan kung bakit pumasok na rin siya sa pagbebenta at ito ay may kaugnayan ngayong pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh