Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani

Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani

- Emosyonal si Bearwin Meily sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Marami itong naibahagi tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay bilang isa sa mga tinamaan ng pandemya

- Ngunit mas lalo siyang naluha nang mapag-usapan ang kaibigan na si Bayani Agbayani

- Nabanggit din niya ang naging tampuhan nila ni John Estrada at aminadong hindi na rin sila madalas na nagkakausap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Panay ang luha ng komedyanteng si Bearwin Meily nang kumustahin siya ni Ogie Diaz.

Nalaman ng KAMI na sinadya pa ni Ogie si Bearwin sa negosyo nitong 'Corny Doggy' sa Taytay, Rizal.

Aminado si Bearwin na isa siya sa mga tinamaan nang husto ng krisis buhat ng pandemya.

Bearwin Meily, lalong naiyak sa interview ni Ogie Diaz nang mapag-usapan si Bayani Agbayani
Photo: Bearwin Meily (Screengrab from Ogie Diaz YT channel)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Suspek, lakas loob pang sumama sa paghahanap sa bangkay ng biktima

Katunayan, naibenta niya ang kanilang ipinatayong dream house sa kasagsagan ng pandemic noong nakaraang taon.

Subalit sa kabila ng matitinding dagok sa buhay, nagkaroon naman siya ng isa pang oportunidad at ito ang ang kanyang corndog business na patok na patok ngayon sa Taytay.

Lahat umano ng biyayang natatamo ngayon ni Bearwin ay ipinagpapasalamat niya sa Diyos.

Mas lalo kasi siyang naging malapit sa Panginoon at mas tumibay ang pananampalataya sa dami ng pagsubok na kanyang kinaharap.

Nang tanungin naman siya ni Ogie kung sino ang artista na "through thick and thin" ay hindi niya makakalimutan, naluluha niyang sinabi na ito ay si Bayani Agbayani.

Kahit kailan daw kasi lalo na ngayong wala muna siya sa industriya ng showbiz, hindi siya hinindian ng kaibigan at patuloy umano itong sumusuporta sa kanya.

Nang tanungin naman ni Ogie ang artista na kanyang nakatampuhan, nabanggit ni Bearwin ang pangalan ni John Estrada na madalang na rin talaga niyang makausap sa ngayon.

Read also

Meryll Soriano, deadma sa mga bashers sa pag-iibigan nila ni Joem Bascon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng panayam kay Bearwin mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bearwin Meily ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Siya rin ang may-ari ng kilalang corndog stall sa Taytay, Rizal na 'Corny Doggy' na siyang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Marami rin ang bumilib kay Bearwin sa kanyang fitness journey noong 2018 kung saan mula sa size na 2XL, kinaya niyang maging large na lamang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel