Suspek, lakas loob pang sumama sa paghahanap sa bangkay ng biktima
- Isang 21-anyos na na transgender man ang natagpuang patay sa Quezon City
- Nagpaalam lamang daw ito sa ina na siya ay aalis gayung nagkaroon ito ng problema sa kanyang kasintahan
- Hindi na nakauwi pa ang biktima na pinaniniwalaang ninakawan at hinalay
- Isa umano sa mga suspek ay sumama pa sa paghahanap sa bangkay at kalaunan ay napaamin ng pulisya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Wala nang buhay nang matagpuan ang 21-anyos na si Ebeng Tria sa Quezon City na hinihinalang pinagnakawan at hinalay.
Nalaman ng KAMI na nagpaalam pa ito sa kanyang ina na si Cherry Tria na gagala lamang gayung may pinagdaraanan itong problema sa kanyang karelasyon.
Ayon sa ulat ni Mai Bermudez ng GMA News, noong pang Lunes Mayo 17 nang umalis si Ebeng ngunit hindi na ito nakauwi.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ang masaklap, isa sa umano'y tumulong sa paghahanap kay Ebeng ay suspek pala sa kanyang krimen.
Nang malaman ng pulisya na ang taong kasama sa paghahanap sa biktima ay isa sa mga huling nakasama nito, hindi na ito pinauwi.
Doon napaamin nila ito na isa sa mga nakagawa ng karumaldumal na krimen sa taong itinuring silang kaibigan.
Hustisya ang sigaw ng ina ng biktima at nanawagan ito sa iba pa umanong mga suspek na sumuko na.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Noong 2020, isa sa mga krimeng gumulantang sa publiko ang pagkamatay ng lady driver na si Jang Lucero.
Natagpuan si Lucero sa sarili niyang sasakyan na mayroon ilang saksak sa katawan na naging sanhi umano ng kanyang pagpanaw.
Magpahanggang ngayon, hindi pa tuluyang nakakamit ni Lucero ang hustisya gayung hindi pa rin umano natutukoy kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na pagkamatay niya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh