Raffy Tulfo, pinayuhan ang nagreklamong Food Panda rider na mag-resign na
- Diretsahan nang sinabihan ni Raffy Tulfo ang Food Panda rider na mag-resign
- Ito ay matapos na iwan umano ito sa ere ng nasabing delivery app kaugnay sa reklamo nito sa isang customer
- Nagkapatawaran na ang magkabilang kampo at nabura na rin umano ang viral post
- Naglabas din sila ng kanya-kanyang pahayag lalo na at nagagamit na ang address at pangalan ng customer sa mga fake orders dahil sa post ng rider
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling nagkaharap-harap ang nag-viral na food delivery rider na si Jeffrey Salamat at mga customers niyang inirereklamo na sina Pauline Endrina, Julie Ann Lopez, at Thelma Aviento sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo.
Nalaman ng KAMI na makalipas ang ilang araw mula nang dumulog sa programa ang delivery rider na si Jeffrey ay wala pa ring inilalabas na pahayag ang Food Panda.
Matatandaang lumapit na kay Tulfo ang rider dahil umano sa pagkansela ng order ng customer na nag-order mula sa Canada at sinasabing hindi raw ito maayos na nakarating sa mga pagpapadalhan nito sa Pilipinas.
Nag-viral na rin kasi ang post ng rider kung saan ipinakita niya ang conversation nila ng mga customer at pati na rin ang larawan ng tumanggap ng mga pagkain.
Subalit sa kasamaang palad, hindi nagbibigay ng impormasyon ang Food Panda sa kung ano nga ba talaga ang nangyari sa transaksyon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Dahil dito, hindi pa rin natuldukan ang naturang kontrobersiya na humantong pa sa mga post naman ng customer patungkol sa rider.
Pinag-ayos na lamang ni Tulfo ang magkabilang panig at binigyan din sila ng pagkakataong makapaglabas ng kanilang saloobin.
Lalo na ang pamilya ng pinagpadalhan ng pagkain na si Julie Ann dahil nagagamit pa umano ang pangalan niya at address sa mga fake orders.
Sinabihan na rin ni Tulfo si Jeffrey na mag-resign na lamang ito sa Food Panda at maghanap ng ibang trabaho dahil sa umano'y kapabayaang ginawa ng mga ito sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa rin na natulungan ni Tulfo ay ang delivery rider na nabiktima naman ng pangha-harass ng customer. Humingi rin ng patawad ang customer at nagkaayos na rin sila ng rider.
Magsilbing aral nawa ang mga sitwasyong ito sa atin lalo na at madalas ang delivery ngayong panahon ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh