Delivery rider, nabaliktad ng customer at inireklamo rin sa pag-post ng kanilang address
- Tila rumesbak ang customer na ipina-Tulfo ng isang food delivery rider dahil umano sa modus na nagagawa nito
- Unang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang delivery rider dahil umano sa pagkansela ng order na nai-deliver naman niya ng maayos sa customer
- Subalit dahil nag-post ang rider sa kanyang social media ng mga larawan at iba pang mga mahahalagang impormasyon ng customer, nagkaroon ng muli ng problema
- Dahil dito, nabiktima naman ang customer ng mga prank orders dahil sa address at iba pang detalye tungkol sa kanila na nakita sa post ng rider
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na makarating sa programa ni Raffy Tulfo ang reklamo ng delivery rider na si Jeffrey Salamat tungkol sa umano'y modus ng naging customer na si Pauline Endrina, tila nabaliktad na at siya na ngayong ang inirereklamo.
Matatandaang humingi na ng tulong kay Tulfo si Salamat dahil sa umano'y pagkansela ng order ni Endrina na nasa abroad sa mga kamag-anak nito sa Pilipinas gayung nai-deliver niya ito ng maayos.
Bagaman at bayad, lumalabas kasing hindi maayos ang transaksyon na maaring pagdudahan si Salamat na ninakaw ang order base sa rason ng kanselasyon na hindi nakarating sa customer ang mga pagkain.
Dala ng sama ng loob, nai-post ni Salamat ang larawan ng nag-receive ng pagkain bilang katibayan na nai-deliver niya ito ng maayos.
Subalit ang masaklap, pati ang buong pangalan at address ng customer sa Pilipinas ay kanya ring nai-post dahilan para mabiktima naman ng prank orders ang customer na si Julie Ann Lopez.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Katunayan, habang kinakapanayam sila ni Tulfo, may biglang dumating ng delivery si Lopez na hindi naman siya ang umorder.
Hindi raw ito ang unang beses na mangyari ito at makailang mga online shops na ang naghahatid ng produkto sa kanya na hindi naman niya talaga binili.
Dahil dito, inirereklamo na rin ni Lopez si Salamat kaugnay sa pagbabahagi nito ng mahahalagang impormasyon sa kanila na naging mitsa pa ng mas lalong malaking problema.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa rin na natulungan ni Tulfo ay ang delivery rider na nabiktima naman ng pangha-harass ng customer. Humingi rin ng patawad ang customer at nagkaayos na rin sila ng rider.
Magsilbing aral nawa ang mga sitwasyong ito sa atin lalo na at madalas ang delivery ngayong panahon ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh