Viral na umano'y modus ng customer, inireklamo na ng delivery rider sa RTIA

Viral na umano'y modus ng customer, inireklamo na ng delivery rider sa RTIA

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang nag-viral na post ng isang Food Panda rider

- Ito ay ang tungkol umano sa modus ng customer kung saan nagkakansela umano ito ng sandamakmak na pagkaing na-order

- Ang nakalagay pang rason ng kanselasyon ay hindi umano nakarating sa customer ang mga inorder na pagkain

- Dahil dito, nagawang mai-post ng rider ang mga larawan ng nag-receive ng pagkain bilang katibayan na nai-deliver ito

- Lumalabas na isang kamag-anak pala abroad ang nag-place ng order para mai-deliver sa mga kamag-anak niyang nasa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng saklolo sa programa ni Raffy Tulfo ang delivery rider na si Jeffrey Salamat matapos na umano'y nakaranas ng "modus" sa kanyang naging customer.

Reklamo ni Jeffrey, nagkansela ng order ang customer kahit nai-deliver na ng maayos ang mga pagkain.

Read also

80-anyos, inakusahang scammer ang nakarelasyong 47-anyos na piyanista at asawa nito

Nalaman ng KAMI na nag-viral pa ang post ni Jeffrey tungkol sa naturang insidente at ito raw ang nagsisilbing patunay na walang katotohanan ang pinalalabas na rason ng cancellation ng order kung saan sinasabing hindi raw ito nai-deliver sa customer.

Viral na umano'y modus ng customer, inireklamo na ng delivery rider sa RTIA
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nang kapanayamin ni Tulfo sa programa niyang Idol in Action ang mga customer na sina Thelma at Julie Ann, sinasabi nilang ang kamag-anak nila sa abroad na si Pauline Endrina ang umo-order at nagugulat na lamang sila kapag kumukontak ito at sinasabing paparating na ang mga pagkain.

Sinasabi umano ni Jeffrey na maaring kaya kinakansela ng customer ang order ay upang makakuha ng "refund" sa kanilang food delivery app.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit hindi nagpaunlak agad ang umano'y kamag-anak sa abroad na siyang nag-order ng pagkain. Ayon kasi sa rider, ang customer lamang o ang store ang maaring magkansela ng transaksyon.

Read also

72-anyos na delivery rider, 'di na kinasuhan ang customer na muntik nang manakit sa kanya

Nilinaw ng rider na hindi niya hinahabol umano ang bayad sa naturang transaksyon gayung lumalabas naman na ito'y bayad na. Ngunit magkakaroon kasi ng impresyon sa kanyang trabaho na "ninanakaw" o "inaangkin" niya ang order na sinasabing hindi nakarating sa customer.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin na natulungan ni Tulfo ay ang delivery rider na nabiktima naman ng pangha-harass ng customer. Humingi rin ng patawad ang customer at nagkaayos na rin sila ng rider.

Read also

Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens

Magsilbing aral nawa ang mga sitwasyong ito sa atin lalo na at madalas ang delivery ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica