72-anyos na delivery rider, 'di na kinasuhan ang customer na muntik nang manakit sa kanya

72-anyos na delivery rider, 'di na kinasuhan ang customer na muntik nang manakit sa kanya

- Tuluyan nang pinatawad ng 72-anyos na delivery rider ang customer niyang pinagmumura siya

- Sa paghaharap nila sa barangay, maayos na silang nag-usap at nagdesisyon nang hindi na kasuhan ang customer

- Sa unang bahagi ng panayam ni Raffy Tulfo sa rider, napahagulhol sa pagmamakaawa ang customer na inamin ang kanyang pagkakamali

- Maaalalang ang customer na ang naglakas loob na ibahagi sa social media ang video na nagsilbi pa umanong ebidensya ng mga pagmumura at pagbabanta niya sa rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang pinatawad ng 72-anyos na delivery rider na si Reynaldo Mena ang customer niyang si Jhonmike Pascual ng Valenzuela City.

Matatandaang sila ang nasa viral video na si Jhonmike pa ang nag-post kung saan makikita kung paano niya pinagmumura at pinagbantaan na sasaktan ang walang laban na delivery rider.

Read also

Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens

Nalaman ng KAMI na nagkaharap na ang dalawa sa barangay kung saan sinamahan din sila ng staff ni Raffy Tulfo.

72-anyos na delivery rider, 'di na kinasuhan ang customer na muntik nang manakit sa kanya
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ayon kay Tatay Reynaldo, minabuti niya at ng kanyang pamilya na patawarin na lamang si Jhonmike na tila pinagsisihan naman na ang kanyang nagawa.

Sa unang panayam sa kanya ni Tulfo, nasabi niyang tila naalimpungatan siya nang tumawag si Tatay Reynaldo sa kanya habang siya ay natutulog.

Inakala niyang sumisigaw na ito sa pagtatanong ng eksaktong lokasyon ng kanilang address.

At dahil siya pa ang nag-post ng video ng naging diskusyon nila kung saan may pagmumura siyang nabitawan, siya rin ang na-bash ng maraming netizens na naging dahilan kung bakit nakarating ito sa programa ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ngunit dala na rin ng malawak na pang-unawa ng delivery rider, ayaw na niyang maging isipin pa sa kanya kung makukulong ang customer.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van

"Kasi 'pag nakulong 'yan iisipin ko rin na nakulong 'yan dahil sa demanda ko. Mabigat din sa kalooban kaya patawarin ko na lang"

Labis naman itong ipinagpapasalamat ni Jhonmike at nangakong hindi na ito uulitin kaninoman. Nagkapirmahan na rin sila ng kasulatan sa barangay bilang pagpapatibay na natuldukan na ang kanilang alitan.

Samantala, binigyan na rin ni Tulfo ng mga biyaya si Tatay Reynaldo na sa kabila ng kanyang edad ay matiyaga pa ring naghahanapbuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.2 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Asawa ng nag-viral na lola na nakikiusap na makadaan sa pader ng BuCor, pumanaw na

Isa rin na natulungan ni Tulfo ay ang delivery rider na hindi nalalayo ang sinapit kay Tatay Reynaldo. Humingi rin ng patawad ang customer at nagkaayos na rin sila ng rider.

Magsilbing aral nawa ang mga sitwasyong ito sa atin lalo na at madalas ang delivery ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica