Barangay officials sa kontrobersyal na "lugaw is essential" viral video, kinasuhan na
- Tuluyan nang inireklamo sa piskalya ang mga barangay officials na sangkot umano sa pagharang sa rider na magde-deliver ng lugaw
- Maging ang may-ari ng Lugaw Pilipinas ay kasama ng rider na nagsampa ng reklamo dahil maging sila ay nakaranas ng pagbabanta
- Labis ding ikinabahala ni Ignacio ang mga banta na natatanggap niya sa social media kaya pansamantala siyang huminto sa trabaho
- Napilitan din silang lumipat ng tirahan dahil sa pangambang pati ang kanyang pamilya ay madamay na sa isyu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagsampa na ng reklamo sa piskalya si Marvin Ignacio, ang delivery rider sa kontrobersyal na "lugaw is essential" viral video laban sa mga barangay officials ng Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.
Matatandaang si Ignacio ang nag-viral na rider na umano'y hinarang ng mga tanod ng Barangay Muzon dahil sa pagdedeliver pa sana nito ng lugaw gayung oras na ng curfew.
Sa ABS-CBN News, maging ang may-ari ng Lugaw Pilipinas ay kasama sa nagsampa ng reklamong grave threat at grave coercion.
Ayon kay Ignacio, nakatanggap sila umano'y pananakot at pananaboy sa kanilang barangay.
Maging sa kanyang social media, may mensahe ng pagbabanta rin siyang natatanggap.
Labis niya itong ikinabahala kaya naman pansamantala siyang tumigil sa paghahanapbuhay.
At dahil sa pangambang madamay na rin maging ang kanyang pamilya, napilitan na rin silang lumipat ng tirahan.
Sa salaysay naman ni Mary Jane Resurreccion na siyang may-ari ng Lugaw Pilipinas, makailang beses umano silang nakaranas ng pangha-harass mula sa ilang mga tao ng barangay at maging ang mga naghahanapbuhay na Grab riders na naroon ay sinisita na rin.
Matatandaang minsan nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo sina Ignacio at Resureccion kaugnay sa kontrobersiyang ito.
Sa ulat ng Philippine Star, humingi na rin ng tawad ang mga tanod ng barangay na sangkot sa isyu ngunit itinanggi nila ang umano'y pangha-harass na naranasan ni Ignacio sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matapos na mag-viral ang video na ito, agad na naglabas si Presidential Spokesperson Harry Roque ng pahayag at agad na nilinaw na bilang isang pagkain ang lugaw ay kasama ito sa essential goods na tuloy pa rin ang serbisyo at produksiyon sa kabila nang enhanced community quarantine na naitaas mula noong huling linggo ng Marso hanggang ikalawang linggo ng Abril.
Dahil sa mataas pa rin na bilang ng mga naitatalang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang NCR Plus.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh