Barangay captain, naglabas ng saloobin hinggil sa birthday pantry ni Angel Locsin
- Naglabas ng kanyang saloobin ang barangay chairman ng Brgy. Holy Spirit na si Chito Valmocino sa isang panyam
- Ibinahagi nito ang sama ang loob niya kay Angel Locsin at sa mga kasamahan nito dahil kulang daw ang koordinasyon sa kanila
- Matatandaang naging trahedya ang dapat sana'y masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Angel sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong
- Humingi na ng dispensa si Angel hindi lamang sa pamilya ng namatayan kundi sa lahat ng naapektuhan sa nangyari sa kanyang community pantry
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kabila ng kanyang hangarin na makatulong umano, hindi naging maganda ang nangyari sa community pantry na inorganisa para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Angel Locsin.
Ito ay matapos ang pagdagsa ng napakaraming tao at ang pagkamatay ng isang senior citizen habang pumupila para makakuha ng ayuda.
Hindi maitago ng punong barangay ng Brgy. Holy Spirit na si Chito Valmocino ang kanyang sama ng loob nang nakapanayam siya ni Cesar Chavez sa DZRH.
Aniya, kulang daw ang koordinasyon ang kampo ng aktres sa kanila, lalo na nung dumami na ang mga tao.
“Magulo at walang malinaw na coordination, kahit na po tinatanong paulit-ulit ng mga tao ko ay ayaw nilang sagutin. Nang dumating si Madam Angel, alas siyete siya dumating. Ang pila po ng tao nang siya ay dumating na at umikot po dun sa may St. Peter ay umaabot na po ng Litex, alas siyete pa lang ng umaga."
Kinuwestiyon nito ang bilang ng tao na naunang nasabi umano sa kanila na 300 lamang daw. Hindi din daw agad humingi ng assistance ang kampo ng aktres matapos makitang dagsa na ang tao.
“Nakita na nila na libu-libo na ang tao, bakit hindi sila nagsabi na, 'Tama na. Tigil na. Tatlong daan lang ang kaya namin.'”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nabanggit pa nito na bukod sa namatay na senior ay mayroon pa umanong lima pang katao na nahimatay na napag-alaman umano nilang hindi taga Brgy. Holy Spirit.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang community pantry ay nauso simula nang maisipan ng isang 26 anyos na si Ana Patricia Non na isang small-business owner ang paglalagay ng mga pagkain para sa mga taong walang mapagkuhanan ng kanilang makakain sa hirap ng buhay sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng pandemya.
PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”
Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.
Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.
Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel Locsin sa mga artistang nagtayo ng community pantry.
Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang mga magulang.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh