Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

- Humingi ng paumanhin ang aktres na si Angel Locsin sa publiko matapos dagsain ang kanyang community pantry

- Una nang naibalita ang pagkamatay ng isang matanda na pumila roon

- Makikita rin ang napakaraming taong pumila para makahingi ng tulong mula kay Angel

- Dahil dito ay nagpasya ang Kapamilya actress na ipamigay na lang sa ibang pagkakataon ang mga natirang goods sa kanyang community pantry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng sorry ang aktres na si Angel Locsin matapos magkagulo ang mga tao sa kanyang community pantry.

Ito ay matapos dagsain ang kanyang community pantry at hindi na nga nakontrol pa ang tao.

Paliwanag ng Kapamilya actress, maayos silang nagsimula bandang 8:00 ng umaga at sinigurong sumunod sila sa safety protocols. Binanggit din ni Angel na may mga awtoridad na rin mula sa kanilang LGU, PNP at barangay ang tumulong sa kanila para mapanatili ang social distancing.

Read also

Community pantry sa Bulacan, nagmistulang "mini-market" sa dami ng ibinabahagi

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry
Photo: Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Ganunpaman, naiinitindihan naman daw ni Angel ang labis na pangangailangan ng tao lalo na ngayong may pandemya.

Hindi na rin daw siya sigurado kung papayagan pa siyang gawin ulit ito dahil sa pagkakagulo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Para sa kanyang kaarawan, ninais ni Angel na magpaabot ng tulong sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng community pantry na hango sa Maginhawa community pantry sa Quezon City.

Sa kanyang Instagram post, masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang magandang hangarin.

Ngunit sa kasamaangpalad ay may mga hindi inaasahang pangyayari. Una nang naibalita ang pagkamatay ng isang matanda na isa sa mga pumila sa community pantry ni Angel.

Update: Ayon kay Angel, muli nang umayos ang pila sa kanyang community pantry. Nagpasalamat ito sa Task Force Disiplina at mga barangay tanod sa pagpapanatili ng safety protocols.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Kamakailan, nagpasalamat si Angel Locsin kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mabilis na pag-apruba nito ng ayuda para sa publiko.

Sa isa pang report ng KAMI, mabilis na nag-viral sa social media ang photo meme ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kasama sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel