Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

- Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikitang nilimos ng isang grupo ng kababaihan ang laman ng isang community pantry

- Batay sa CCTV footage na inilabas ng netizen na nagtayo ng community pantry, walang itinira ang mga ito

- Dismayado rin daw ang nasabing netizen sa ginawa ng anim na babaeng sangkot dito

- Nito lang nakaraang linggo nang umani ng papuri sa mga Pinoy netizens ang ideya ng community pantry na nagsimula sa Maginhawa sa QC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video ng ilang kababaihang nilimas ang laman ng isang community pantry.

Napag-alaman ng KAMI na nangyari ang insidente sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.

Sa CCTV footage na mabilis na kumalat sa social media, makikita ang community pantry na itinayo ni Carla Quiogue.

Read also

Online seller na may isang viewer lang sa live selling, nagbigay inspirasyon sa marami

Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry
Photo: Barangay Kapitolyo Community Pantry (Carla Quiogue)
Source: Facebook

Maya-maya ay dumating ang anim na kababaihan at agad na lumapit sa mesang naroon. Ilang saglit lang ay kanya-kanya na nang kuha ang mga babae. Ang isa sa kanila, maging ang dalawang tray ng itlog ay kinuha rin.

Makikita rin na may mga dala pang eco bag ang mga babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dismayado naman si Quiogue sa ginawa ng mga babae na wala raw itinira sa pantry.

"Just when I thought na solid mga pinoy sa tulungan. May isang group ng babae na tinangay lahat pati dalawang tray ng itlog. Walang tinira. Sana talagang yun yung kailangan nila," anito sa isang Facebook post.

Sa kabila nito, ipagpapatuloy pa rin daw nila ang ginagawang pagtulong. Ayon sa update nito, marami ang nagmensahe sa kanya para magbigay ng tulong.

Narito ang video mula sa Online Trending FB page:

Read also

Viral na community pantry, dinagsa ng tulong; mga magsasaka, nagbigay din

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Hango ang ideyang ito sa viral na Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non.

Kamakailan lang, dinagsa ng tulong ang Maginhawa Community Pantry at pati na mga magsasaka sa Tarlac ay nagpaabot na rin ng tulong para rito.

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang tindahan sa Las Piñas, nag-viral dahil sa mga paninda nitong libre: “Get everything here for free!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone