Viral na community pantry, dinagsa ng tulong; mga magsasaka, nagbigay din
- Sa gitna ng pandemya, lumabas pa rin ang pagtutulungan ng mga Pinoy
- Isang community pantry na tumugon sa pangangailangan ng ilan nating kababayan ang nag-viral kamakailan
- Sa post ng netizen na siyang nagsimula nito, makikita ang pagdagsa ng tulong dito
- Maging ang mga kababayan nating magsasaka hindi rin nagpahuli at nagdonate ng kamote para sa community pantry
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Lumabas ang natural na pagiging matulungin ng mga Pilipino. Sa viral na community pantry sa Quezon City, dumagsa ang tulong mula sa mga taong nais makatulong sa mga nangangailangan.
Ang Maginhawa Community Pantry ay isinet-up ni Ana Patricia Non mula sa mga pinagsama-samang ayuda na kanyang inipon na inilagay sa isang kariton.
At matapos ngang mag-viral nito, dinagsa ng tulong ang community pantry. At maging ang ating mga kababayang magsasaka sa Tarlac, nagpaabot din ng tulong.
Sa isa namang Facebook Live video, ibinahagi ni Non ang pamamahagi nila ng family food packs mula sa mga donasyon ng ilan nating kababayan.
Sa tulong ng mga tricycle driver sa lugar na siyang nag-repack ng mga donasyong bigas at canned goods, pinanatili ng mga ito ang social distancing sa pamamahagi ng ayuda.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Simple lang ang dapat tandaan ukol dito: "magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan".
Patunay lang ito na ang mga Pinoy ay handang dumamay sa kapwa at tutulong sa abot ng ating makakaya.
Samantala, ilang community pantry pa ang itinayo ng may mabubuting kalooban matapos ma-inspire sa Maginhawa Community Pantry.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isa pang report ng KAMI, isa namang tindahan sa Las Piñas, nag-viral dahil sa mga paninda nitong libre: “Get everything here for free!”
Samantala, napa-sana all naman ang maraming netizens sa nag-viral na ayuda ng LGU ng Gapan, Nueva Ecija.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh