Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

- Pinasalamatan ni Anthony Taberna ang nakasabay niya sa pagpapaturok ng COVID vaccine

- Naikwento niya sa kanyang Instagram na muntik na umano siyang 'di maturukan dahil sa biglang bagsak ng kanyang sugar level

- Napansin ng kanyang mga nakasabay ang nangyari at hindi raw nagdalawang isip ang ilan na siya ay matulungan

- Nang bumuti ang lagay, nabigyan na rin siya ng bakuna kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking pasalamat ni Anthony Taberna o kilala rin sa tawag na "Ka Tunying" sa nagbigay sa kanya ng baon nang siya ay magpabakuna kontra COVID-19.

Nalaman ng KAMI na bilang isang diabetic, bigla na lamang daw bumagsak ang sugar level ni Ka Tunying dahil sa ilang oras na pamamalagi sa Placido Elementary Schoolsa Quezon City mula 10:30 ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Read also

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

Naikwento niya sa kanyang Instagram na isang lalaki umano ang nakarinig ng kanyang sitwasyon.

Ka Tunying, muntik nang 'di mabigyan ng COVID vaccine; binigyan ng baon ng nakasabay
Photo: Anthony Taberna (@iamtunying28)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Marahil alam nito ang 'di magandang maaring mangyayari sa news anchor dahil sa kalagayan nito kaya naman agad na ibinigay ng lalaki ang kanyang baon kay Ka Tunying.

Isang babae rin na kanyang nakasabay ang nag-abot naman sa kanya ng tubig kaya bumuti na rin naman ang lagay ng news anchor.

Dahil sa mga tumulong sa kanya, hindi nasayang ang paghihintay umano ni Ka Tunying na nabigyan na rin ng bakuna.

Kasama si Anthony sa kategorya na A3 o persons with comorbidities bilang siya ay isang diabetic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Anthony Taberna o mas kilala bilang si "Ka Tunying" ay isang broadcast journalist sa bansa. Naging bahagi siya ng morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda at ng Dos Por Dos.

Read also

Heaven Peralejo, kinailangan isugod sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19

Kasalukuyan nang bahagi ng DZRH si Anthony na dating nasa DZMM. Ito ay dahil sa nangyaring shutdown ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos ang kanilang rebelasyong tungkol sa mga pinagdaanan ng kanilang pamilya kaugnay sa kanilang anak at maging sa negosyo, ibinahagi rin niyang unti-unti na nila itong nalalampasan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel