Anthony Taberna, pinagnakawan di umano ng taong pinagkakatiwalaan nila sa negosyo

Anthony Taberna, pinagnakawan di umano ng taong pinagkakatiwalaan nila sa negosyo

- Panibagong pagsubok ang kinakaharap ng pamilya ni Anthony Taberna dahil kamakailan lamang ay napag-alaman nilang pinagnanakawan di umano sila sa kanilang negosyo

- Talagang nalungkot si Anthony gayundin ang kanyang misis sa nangyari lalo na at malaking halaga ang nakuha ng taong pinagkakatiwalaan pa naman nila

- Ang masaklap pa rito, dahil umano sa nangyari, malaki raw ang posibilidad na magsara na ang kanyang negosyo

- Bukod sa pagsubok na ito matatandaang kamakailan lamang ay ipinahayag ng pamilya ni Anthony ang pagsubok na kanilang kinakaharap dahil sa karamdaman ng kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isiniwalat ni Anthony Taberna na isa na namang pagsubok ang hinaharap ngayon ng kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na kamakailan lamang ay napag-alaman nina Anthony at asawa nitong si Rossel Taberna na ninanakawan pala sila ng taong pinagkatiwalaan nila sa kanilang negosyo na Ka Tunying's restaurant.

Read also

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

Sadyang napakasakit ng nangyari para sa kanila dahil bukod sa pinagdaraanan ngayon ng kanyang anak na si Zoey na mayroong karamdaman, nagawa pa umano ng taong ito na sila'y pagnakawan.

Anthony Taberna, pinagnakawan ng taong pinagkakatiwalaan nila sa negosyo
Photo: Anthony Taberna @iamtunying28
Source: Instagram

Nabanggit pa ni Anthony na talagang sinisinop na sana nila ang kita ng kanilang kompanya subalit nagawa pa itong kunin ng iba.

"Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya," pahayag ni Anthony.

Tinitingnan din nila ang maaring pananagutan umano ng bangko lalo na at 'hindi maliit' na halaga ang nakuha sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap pa rito, dahil sa pangyayaring ito, malaki raw ang posibilidad na magsara na ang kanilang negosyo.

"Sabi ko nga kung hindi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man, ipinagtapat ko na sa manager namin na baka ihanda natin ang sarili sa pagsasara ng kompanya," malungkot na pahayag ni Ka Tunying.

Read also

OFW, nakatipid sa pagpapatayo ng bahay dahil sa mister na matiyagang gumawa nito

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa video ng Magandang Buhay:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Anthony Taberna o mas kilala bilang si "Ka Tunying" ay isang broadcast journalist sa bansa. Naging bahagi siya ng morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda at ng Dos Por Dos.

Kasalukuyan nang bahagi ng DZRH si Anthony na dating nasa DZMM. Ito ay dahil sa nangyaring shutdown ng ABS-CBN.

Kamakailan din ay naibahagi ng pamilya ni "Ka Tunying" ang matinding pinagdaraanan ng kanilang pamilya dahil sa pagkakaroon ng leukemia ng kanilang anak na si Zoey.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel