OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

- Marami ang humanga sa isang OFW na nakapagpundar na ng maraming ari-arian sa loob ng sampung taon

- Bukod sa malaking bahay na ipinatatayo, mayroon na rin siyang lupain at alagang hayop

- Pinalad din kasi siya sa amo niya sa Hong Kong kaya naman malaki rin ang naitutulong nito sa kanya

- Ibinahagi niya ang kanyang kwento upang magbigay inspirasyon at magbigay tips na rin sa mga nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at ari-arian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang bumilib sa diskarte ng overseas Filipino worker na si Rhen Nival Almendras.

Nitong nakaraang buwan ay ibinahagi niya ang mga naging bunga ng nasa 11 taon niyang pag-aabroad.

Nalaman ng KAMI na bagaman at maagang nagkaroon ng sariling pamilya si Rhen, sinikap niya talaga na mabago ang buhay lalo na ng kanyang mga anak.

Read also

Kris Aquino, mamimigay ng P10,000 para sa 28 na mapipiling netizens

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian
Photo from Rhen Nival Almendras
Source: UGC

Masasabing masuwerte raw siya sa amo niya. Maging sa dalawang taon niya sa Singapore at ngayon na siyam na taon na siya sa Hong Kong.

Maayos ang pasahod sa kanya ng kanyang mababait na employer kaya naman unti-unti siyang nakapagpundar ng mga ari-arian.

Noong siya'y nasa Singapore pa lamang, napasimulan na niya ang kanyang pinapangarap pa lamang noon na sariling tahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bagaman at ilang taon itong nahinto, nilinaw niyang inuna muna niya ang pagpupundar sa mga maari niyang pagkakitaan tulad ng lupang sakahan at mga hayop.

Nakabili rin siya ng motorsiklo at maging alahas na maari niyang maging investment.

Malaki ang pasasalamat niya sa mister na siyang katuwang niya sa hirap at sakripisyo ng pag-abot ng kanilang pangarap.

At ngayon, patuloy na ang pagpapatapos ng kanyang malaki at magandang bahay na masasabi niyang katas ng mga pagsusumikap niya sa buhay.

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tunay na nakakataba ng puso na malaman na marami sa mga kababayan nating OFW ang nagbubunga talaga ang hirap at sakripisyo sa pangingibang-bansa.

Ang iba, sa sobrang dedikasyon sa trabaho ay mismong ang mga amo na nila ang nagbibigay ng tulong pinansyal masiguro lamang ang magandang kinabukasan ng OFW gayundin ang pamilya nito.

Mayroon din namang nasusurpresa na lamang sa mga biyayang natatanggap dahil kinakitaan sila ng pagmamahal sa kanilang trabaho kahit malayo pa sila sa sarili nilang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica